Cs mom. Paano makatayo agad?

1 day after cs, triny ko na pong tumayo since nababasa ko sa iba nakatayo sa isa ilang hrs lang after operation or day after. Nakakapressure rin kase 🥲 kaso nahilo po ako pagkatayo ko, at nag-chill. Sabi nung mga nurse dahil yun sa bigla kong pagtayo, mula pagkahiga kase tumayo nako di nako nag stay na nakaupo kase parang naiipit ung tahi pag umupo ako, i tried walking few steps, ayun nahilo ako. Humiga nako agad at pinatawag mga nurse 😭 Penging tips naman po, baka mauna pa makauwi baby ko kesa saken. Nakautot at ihi na po ako, tae hindi pa since 24hrs no food at water ako, today palang magkakalaman tyan ko.

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

dangle your feet muna at umupo ng ilang minuto bago tumayo.. pag bigla tayo kasi biglaan pagbaba din ng BP kaya bigla nakakahilo at yun ay napakadelikado pwede mahimatay. hinga ng malalim pag inpain at suot ka abdominal binder para support sa tahi mo.. may kanya kanya po tayo pain tolerance at isa ako sa wala pa 24hrs nakakatayo na after ma CS dahil po eto sa kagustuhan ko din mapuntahan agad ang baby ko na NICU at need ibreastfeed ko.. pero hindi po ibig sabihin di na kikilos dahil sobrang sakit mas maganda na gumalaw naaayon kaya lang.. the more na di kumilos mas lalo mahirap maka recover.. if severe in pain mi inform mo si nurse para bigyan ka pain reliever

Đọc thêm

skl, ako after 1 and half hour na dinala ako sa ward binigay agad sakin si Baby nakapag upo at tayu ako nag lalakad panga kahit may Catheter pa ako hirap kasi sa hospital kung saan ako nanganak may kahati ako sa bed kaya upo lng talaga ako buong magdamag 5days kami sa hospital na naka upo lng ako si baby sa bed bawal kasi bantay 🤦kaya kapag may gusto kang ipa bili sa asawa/bantay mo chat² lng tapus kukunin mo nalng sa may pintoan

Đọc thêm
Thành viên VIP

1 month and 8 days pospartum ako mie, cs din ako. Tumayo din ako agad nung nagising ako at ayun, sumakit ng sobra yung ulo ko. public hospital kasi ako kaya pinilit kong umupo at tumayo. Dahan-dahan ka lang po sa mga galaw mo para di ka mapwersa, mas mahirap kapag ikaw yung di makarecover agad. Nakatae naman po ako agad after kong uminom ng uminom ng gatas. Inubos ko nun yung isang liter ng fortified milk.

Đọc thêm

sakin noon..gigilid muna ako..wiggle ko lan foot.at.legs ko..dahan dahan lan ako babangon..at uupo..tatagalan ko.lan pag upo..then unat ko lan mga legs ko bago ako tumayo..kapag ready kana ..mag palalay ka muna sa iba para makalakad..2x na ko cs..after operation..24 hours naglakad na ko papunta cr..tiisin mu lan talaga ung sakit..sa una talaga masakit maglakad..

Đọc thêm
12mo trước

pareho Tayo mami 3 araw lng ako hospital..2x Cs rin..Tama ka mii haggan't kaya tiisin Ang sakit...nasa isip ko nun dpat makauwi na kmi at may naghihintay sa akin..3 araw ka lng nawala namiss ko 1stborn ko..😊

7 days ko na today mommy cs dn tips po pang for the 2nd time bago ka tumayo try mo muna tumagilid habang nakahiga tapos kapag mejo kaya mo na try mo naman po umupo patagilid dn para d mapressure ung sugat mo tsaka ka po tumayo kapag nakaupo ka na ng maayos para d ka mahilo

Nakapaglakad na po ako, ung pag upo pala ung masakit hindi ung pagtayo 🥲🤦🏻‍♀️ Pahingi po ng tip para makatae agad, constipated kase ako before pa man ng operation kaya till now constipated pa rin ako at discomfort sa sobrang kabag.

12mo trước

4th day ko now po di na masyadong masakit. Pero ung pamamaga nung breasts ko now iniinda ko. Para akong lalagnatin.

Slowly lang po, Mi. Pakiramdaman mo rin po sarili mo. Wag ka po ma-pressure kasi mahirap po sa atin magka problem dahil matatahi ulit. Kaya relax lang po. Ask help if need mo tumayo para may umalalay sa'yo.

ang natatandaan ko noon inalalayan ako ng asawa ko para makaupo at dahan dahan tumayo. kasi gusto kong pumunta sa nursery room. dahil pandemic nun bawal ilabas ang baby kung wala pang discharge order.

dahan dahan lang kilos,mie...wag pabigla bigla...paalalay ka sa pagtayo tapos dahn dahan lng lakad...ganyan aq 3 days lng nakauwi na kami ni baby...kain ka gelatin.

try mo pag galing ka sa pag kakahiga igilid mo ung paa mo sa side ng kama then hanap ka makakapitan wag core yng ggamitin mo na force legs at upper body lang