Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mommy of 1 playful junior
baby photo contest
Baka may gusto isali si LO nyo sa baby photo contest ☺️
39 Weeks and 6 Days.....
Thank you Papa G ?? Welcome Baby.... Zeus Grey ? Full Term 9Months Weeks 38 Days 1/7 EDD: February 15, 2020 DOB: February 12, 2020 Type of Delivery: NSD Birth Weight: 3700 grms Birth Length: 50 cm Share ko lang mga mamshie experience ko baka sakaling makatulong sa iba.... Feb. 6 check up ako 38 weeks to be exact that time sabi ni OB, IE ang lola mo then na check is 2cm na ako. Kaso walang sign ng kahit ano, mula noon nkiki back read ako sa mga nanganak na at kung ano mga nararamdaman nila. Ano kinakain ano pang panipis ng cervix at yun nkita ko piñya daw. Buong week si piñya, si sili , si jogging kahit sa loob lang ng bahay at squatting ang katulong ko....Feb.8,9,10 abot ang tulog ko.. Dumating ang Feb. 11 4:53am nag poop ako buong maghapon siguro mga 5x yun di nman madalas mat mga pagitan ang oras... Tpos nagpalit na ako ng bed sheet nilinis ko buong bahay pinagod ko talaga katawan ko. Naiinip na kasi ako, after ko magawa lahat pahinga ng konti, 10:21 nag jogging ako sa loob ng bahay squatting... Kung dati inaabot ako ng 2 hours ngaun 45mins nlang nagawa ko.. Hindi na ako nakatulog non gang umaga tpos parang lalong bumaba yung bata, mayat maya ihi parang my malalaglag sa femfem ko. Di ko pinapansin baka Braxton Hicks na naman at ndi pa tlaga labor, pero my napansin ako sa ihi ko naaamoy ko na parang di sya mapanghi at amoy sabaw ng balot malansa. Di ko nlang pinansin nakatulog ako ng 5:03am... Feb. 12 nagising ako at kung dati nakakatayo ako ng maayos ngayon di na masakit tlaga yung sa femfem ko kaso balewala at naisip ko di nman labor. Yung baby mayat maya na paninigas bawat galaw at maninigas bababa ang sakit sa matres at femfem pag nawala sakit pupunta nman sa likod sa balakang. Di ko na rin pinansin kung labor man kako yun hihintayin ko nlang.. nakatulog ako 3pm nagising ako ng 5pm ndi na ako makatayo parang nahilab na talaga sya kaso minsan lang kaya dedma ulit.. 6:10pm may lumabas na pink na tubig sa panty liner ko, amoy sabaw ng balot? tpos nhilab konti lang 6:56 may mucus plug na my dugo. Nasabi ko na labor na to kaso ayoko pa pumunta sa clinic si hubby pilit ng pilit punta na raw ee ayoko pa at di pa sobra sakit ng hilab gang mag 7pm wala pa din... Dumating ang 8:03 iba na hilab nagagalit na si hubby pinilit na ako pumunta kahit ayoko pa.. pag dating sa clinic 8:20 for IE na nakita 7cm sabi ko wala pa rin hilab sabi ko kay midwife "ndi pa ako papadala sana dto kaso galit na si hubby"... Sabi ni midwife "buti nagpadala kana bka sa bahay kapa mapa anak" at totoo nga sinabi ni midwife... Nag intay lang ako ng 30mins. Humilab na nga todo tyan ko madalas na at matindi kya 8:50pm inaya ko na si dra. sa delivery room pinahiga ako at pinabababa ng pwesto. Sabi ko wait lang at npaka sakit sabi ni dra. ok pag tumigil hilab bumaba ka ng higa.... Ndi na ako nag senyas kay dra. na iire ko na pag tpos ng hilab bumaba ako ng higa at inire ko kaagad. Nagulat si dra. nakalabas na agad ang ulo ni baby at sabi galing ko raw umire, huminga ulit ako ng malalim tpos nagbilang si dra. ng 1 2 3... Inire ko ng dretso at ayun labas na si baby.... Lumabas si baby ng 9:07pm Salamat kay baby ndi ako pinahirapan sabi ko nga pag sumakit sana wag nya ako phirapan, sa mga nag comment sa post ko na nag good luck thank you po... At higit kay papa g? nakaraos po ako ng maayos....
7cm
Update ko lng mga mamshie, ayoko pa pumunta ng clinic pinilit lang ako ni hubby sabi ko nga ndi pa nahilab ng matindi. Naninibago kasi ako pero nang IE ako 7cm na pala kung di pa raw ako napunta clinic baka sa bahay ako mapa anak. Update nalang po ulit ako mamaya.
39 weeks 6 days
Medyo pahilab hilab na po sya, nung una medyo matagal ang hilab. Ngayon po 30mins punta na po kaya ako sa clinic?
exact 39 weeks today...
2cm na pala ako check up ko kasi kanina at sabi ni ob 2cm na raw ako anytime pwde ko na ilabas si baby nasasalat na raw ni ob yung head nya... Kaya pala nung feb.4 iba na pkiramdam ko naninigas tyan ko at kasabay ng galaw ni bay yung sakit sa ilalim ng femfem, napapadalas din na ihi ko at hindi ako maihi ng mabuti.. kagabi sobrang tigas naman ng tyan ko ndi ako makatulog at kahit anong pwesto ayaw lumambot ng tyan ko, natatakot na rin ako pinakikiramdaman ko kung gumagalaw pa sya. Pag dating ng umaga ayun medyo lumambot pero mas madalas yung paninigas ng tyan ko. At eto na pala 2cm na ako? waiting na lang ng magdirediretso ang hilab para mailabas na si baby..
39 weeks today...
Mga mga mamsh tanong ko lang yung ibang mga nanganak na po naninigas din po ba ng todo tyan nyo. Hindi po sya nalambot puro paninigas ng tyan minsan ngalaw tpos titigas ulit pero no sign of labor... Ang hirap po mag intay naiinip na rin po ako kung kaylan lalabas si baby.
38 weeks 2 days, ayaw pa ipakita ni bibi ang gender nya surprise daw...
Gud eve mga mamsh tanong ko lang sa mga mammie na nailabas na si baby, sino po ang mas malakas ang movements si baby boy o baby girl?
pineapple ?
Tanong ko lang po para saan po yung pineapple 38 weeks na po ako ngayon. Salamat po sa sasagot☺️
37 weeks 5 days
Mga mamsh tanong ko lang nasakit rin ba balakang nyo? Minsan po ako di na makatayo sa sobrang sakit akala mo may pilay?
makapal ang kuwelyo
Gud am mga mamsh ☺️ magtanong lang po kasi kahapon na ie ako kasi minsan my pa spot spot ako at pahilab hilab tpos mawawala. Nakita po is 2cm na pero makapal pa rw po. 37 weeks and 2 days po ako now, ang sabi meron dw po tlaga na nag 2cm na pero inaabot pa ng 2 weeks or more. Meron po ba talagang ganun? Kasi ngaun ko lang po naranasan na ganito 3kids na naipanganak ko kpag po kasi nag 2cm ako sa mga anak ko automatic 2 or 4 hours nailalabas ko na kaagad. Ngaun po naninibago ako. Salamat po sa sasagot ☺️