Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mitsui Ken's Mom.
Iritable
Yung baby ko 1 month old madalas siya iritable lalo sa gabi kahit nadede siya magalaw siya naiirita ganun kahit chineck ko naman diaper niya di naman siya nilalamig o naiinitan pinapaburp ko din lagi nilalagyan manzanilla kase baka may kabag. Minsan po di ko talaga maintindihan ano gusto niya o nararamdaman. Normal poba yun nagwoworry lang ako. Please answer po. TIA ?
BINAT
Turnung 1month palang si lo ko. Nilalagnat po ako sobrang masakit ulo ko halos di ako makatulog kasi masakit siya pati lalamunan ko masakit. Masakit din po boobs ko nakirot pareho di ko alam bakit konting galaw lang grabe sakit niya. Nabinat poba ako? Ano pong need gawin para mawala? Anong gamot ang pwede? Pwede pa din ba ibreastfeed si baby kahit nilalagnat ako? Please help madaling araw na ngayon iba na talaga pakiramdam ko.
Newborn
Inuubo po baby ko dry yung ubo niya nahihirapan siya umubo nakakaawa pag sinusumpong. Wala pa siya 1month huhu what to do po? Please answer. TIA
Rashes? Newborn Acne?
What to do po? 2 weeks old palang baby ko tas mas dumadami po yung butlig niya sa face. Cetaphil po sabon niya yung gentle skin cleanser pero di ko nilalagyan face niya pag pinapaliguan ko.
VITAMINS
Kelan po dapat magvitamins ang baby? Pang ilang months? And anong vitamins po ang good kay baby? TIA.?
Normal Delivery
Pano po ba dapat gawin para mabilis magheal yung tahi? 1 week na kasi siya di pa magaling at medyo makirot pa :( running water lang ginagamit ko.
MY BABY
Normal Delivery EDD : December 19-21 DOB : December 16,2019 Sharing my experience. Thankyou lord di niya ako pinahirapan effective talaga yung kausapin lagi and always pray lang. Pagdating ko nang hospital 7cm na ako dahil sa sobrang tagal nang ambulance haha kada hilab ire lang then na fully dilate na to 10cm. 5pm pinasok na ko sa delivery room then 5:12 baby boy is out. ? Sobrang sarap sa feeling makaraos worth it lahat nang hirap pag nayakap mo na baby mo.
answer asap pls
Pag may lumabas napo ba na mucus plug need na agad pumunta hospital kahit wala pang pain na nararamdaman?
39 weeks and 2 days
Grabe na pag sumakit puson ko tas parang may lalabas sa pwerta pero nawawala din naman. Normal lang poba yun? Gusto kona manganak pero ayaw pa lumabas ni baby haha ang hirap na matulog sa gabi kasi hindi makomportable. Pano po ba malalaman pag naglelabor na?
37 weeks
Normal lang ba sa 37weeks na sumasakit pempem? Yung parang may lalabas na something ganun pasulpot sulpot lang naman yung sakit niya.