Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
New MOMMA
Rashes
Good Day mga mamsh, ask ko lang po kung ano pwedeng gamitin sa ganitong rashes kasi yong sa biyenan ko pinapalagyan niyang petroleum jelly and diba po mainit sa balat yon. TY!
Malambot
Good morning mga momsh, normal lang po ba sa via cs baby na lambotin si baby ko kasi mag sisix months sa Jan. 29 pero sabi ng lola niya sobrang lambot daw ng mga muscles ni baby and napapansin ko din medyo may pagka late yong development niya kesa normal delivery na babies first time momma here. TY!
Sipon
Good afternoon mga momsh, ano po bang pwedeng gawin or ipaainom kay lo pag may sipon 3 months and 3 days pa lamang po siya. TY!
Binyag
Good morning mga momsh, Ask koblang po if magkano usually ang bayad sa simbahan pag nagpapabinyag. TY!
Bakuna
Ask ko lang mga momsh, hanggang ilang araw ba paiinumin si lo na 2 months old ng tempra drops katatapos niya lang po kasing bakunahan 1st dose ng OPV/IPV, PCV at Penta. TY!
Sickness Leave
Good morning Momsh, Ask ko lang po if pwede po bang makapag file ng sickness benefits kahit nakalabas nako. Ganito po kasi yon Voluntary payee po ako ng SSS tas nanganak ako nong Jul. 29, 2019 suppost to be ang EDD ko according sa last ultra ko dati is September 3, 2019 kaso nong Jul. 29 eh na emergency cs dahil nagka eclampsia then another 10 days na confinement dahil close monitoring ang bp, nakalabas ng hospital ng August 8, 2019. Am I entitled pa rin ba sa sickness benefits waiting na lang din po ako sa maternity benefits ko at mag 1 month na siya this Sep. 16. TY!
New Born Screening
Good morning mga momsh, necessary po ba magpa repeat ng new born screening kasi si lo ko ay pinarerepeat kaso napapainom na siya ng higad-higaran at ampalaya dahil meron siyang halak at dapat daw matae niya yong taon. What to do? TY!
Biyahe
Good evening mga momsh, Ask ko lang po if pwede na bang makasakay ng plane si lo pag 5 months na siya mostly aabot ng 1 hr. and 45 mins. lang naman yong flight pa amin, Ano2 po ba ang requirements at dadalhin para maging comfortable si lo sa biyahe. TY!
Plema
Magandang Araw mga momsh, Tanong ko lang po posible bang magka plema ang 29 days old na sanggol? Ano po bang dapat ipainom or gawin bago mapa check kay pedia. TY!
Irregular Menstruation
Good Day mga momsh, Tanong ko lang po pag cs po ba irregular talaga ang menstruation kasi sakin po eh sa isang araw mawawala, tas mafefeel ko kinabukasan meron na naman tas isa o dalawang araw lang mawawala ulit hindi na po ako nag b.feed din kasi 28 days na po ang nakalipas ng akoy manganak via cs. TY!