Dragon Fruit para sa mga buntis
Dahil ngayon ay dragon fruit season at marami nito dito sa norte, alam niyo ba na bukod sa manamis-tamis o maasim-asim nitong lasa depende sa variety niya ay puwedeng puwede ito sa mga buntis? Ang pagkain ng Dragon Fruit o Pitaya ay may magandang benipisyo para sa mga buntis. Una, ito ay mayaman sa folate na nakatutulong upang maiwasan ang birth defects sa mga unborn babies. Ang prutas na ito ay mayaman din sa bitamina tulad ng vitamins B1, B2, at B3, at vitamin C. Mayroon din itong iba pang key nutrients na nagpopromote ng maayos na kalusugan sa sanggol habang nasa loob ng sinapupunan at nakatutulong ito sa tamang paglaki at pagdevelop ni baby. Pangalawa, Nakatutulong ito sa bone development maging ng sanggol sa loob ng sinapupunan. Dahil sa taglay nitong calcium pinatitibay nito ang mga buto at ngipin natin . Ang calcium at phosporus ng dragon fruit ay malaking tulong sa nagdedevelop na bones ng isang unborn baby. Pangatlo, pinatataas nito ang hemoglobin count ng sinumang buntis na kakain nito dahil sa taglay nitong iron at vitamin c. Nakatutuloung ito upang mabawasan ang panganib na dulot ng anemia. Pang-apat, ito ay mayaman sa fiber na nakatutulong naman para sa tamang bowel movement. Ang constipation ay madalas na daing ng mga buntis, at dahil sa fiber nito ang pagkain ng dragon fruit ay nakatutulong para ang constipation ay malunasan. Ang nutrients naman na mula rito ay nagsisilbing cleansing agents para labanan ang iba pang digestive disorders. Para sa karagdagang benepisyo, ang dragon fruit ay nakatutulong rin upang tayo ay makaiwas sa microbial infections at ito ay nakapagsusupply ng karagdagang enerhiya sa ating katawan. Ang mataas na lebel ng antioxidant nito ay kayang labanan ang free radicals, maging ang vitamin c nito. Pinataas rin ng vitamin c ang ating immunity upang maiwasan ang panganib ng impeksyon sa panahon ng pagbubuntis. Ang mga sumusunod ay mga benepisyo lamang sa pagbubuntis. Bukod pa rito ay napakaraming benepisyo pa sa katawan ang makukuha ng sino mang kakain ng pitaya o dragon fruit. ☺ Eat healthy. Live healthy mga momshie's. ? Millennial MomShie. ? google images Source: https://www.foodsforbetterhealth.com/dragon-fruit-during-pregnancy-37073 Fb page: Millennial Momshie
Đọc thêm