Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Got a bun in the oven
Hypertension Preggy
Hello mga mommy I'm pregnant right now 6weeks pa. 2nd pregnancy ko na to. Last pregnancy ko last yr at na CS ako this yr January. and sad to say my 1st born didn't make it. pag start palang nang 1st pregnancy ko unti unting tumaas BP ko hanggang pagka 4mos nang tiyan ko niresetahan ako ni doc nang aldomet for hypertension preggy. pag 24weeks nang tiyan ko na admit ako kasi biglang nag 150/110 BP ko so nirefer ako ni doc for admission para madaling bumaba BP ko so after 5days nakalabas na ako at ang findings sa akin is Preeclampsia. After 1week naadmit nanaman ako due to stress tumaas nanaman BP ko at hindi na talaga mubaba so na ECS ako nabuhay si baby nang 2days. hindi kinaya nang baga niya kasi not well develop pa daw. that really sadden me. ilang araw akong iyak nang iyak. So ff right now pregnant ulit ako. pero ang problema is simula nang nanganak ako di na talaga bumalik sa normal BP ko always na xa 120/90 minsan 130/90.Pero meron din naman time na normal siya pero most of the time above normal talaga. so ngayon momsh sa simula palang binigyan na ako ni doc nang aldomet. Tanong ko lang mommy baka meron ditong same case sa akin na sa start palang nang pregnancy is may hypertension na. Baka naman meron kayo ma suggest na mga dapat kong gawin para malampasan at mabuhay na this time ang baby ko. ? napakahirap mawalan nang anak. parang di ko na kakayanin if same case sa 1st born ko itong 2nd ko. baka mabaliw na ako. Pls enlighten me ano ba dapat ko iwasan. ano dapat ko inumin para naman makatulong sa akin para di na masyadong tumaas BP ko kahit man lang sana umabot nang 34-36weeks tong 2nd pregnancy ko atleast mataas ang chance na mabuhay siya. maraming salamat mga mother?