BABY DIAPER

Mga momies, my LO is 3mos old na. Nakita ko ito kagabi sa diaper niya nung pinalitan ko... is this normal? Twice ko pa lang nakita 'to and hindi naman every day. Thank you sa sasagot. Nagwo-worry kase ako, gusto ko siya dalhin sa pedia kaso wala pang means of transportation sa'min.

BABY DIAPER
2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Marami pong mga magulang ang nagmemessage po sa akin tungkol sa kulay pink o orange na mantsa sa diaper ng babies nila tuwing iihi. Halos lahat sa kanila ay hindi naman nanghihina, malakas pa rin magbreastfeed at hindi nilalagnat. Maaaring ang stain na ito ay mga "urate crystals" na meron naman talaga sa ihi ng babies pero mas nakikita lamang ito kung concentrated ang ihi. Dehydrated? Maaari. Dahil sa init ng panahon, madalas pagpawisan ang baby, mas kailangan nilang dalasan ang fluid intake. Ibig sabihin, si mommy kailangan mas dalasan ang pagbreastfeed kay baby, at damihan ang pag-inom at pagkain ni Mommy. Kailangan ba dalhin sa ospital? Kung masigla po si baby, hindi nilalagnat at umiihi po 6x a day, hindi kailangan. Kailangan ng urinalysis? Observe lang muna. Kailangan na ba magformula? Hindi po. Ang breastmilk po ng ina ay at least 80% water kaya much better pa rin po anf breastfeeding. Kung more than 6 months old, na ang baby, pwede na ng kaunting water pangtulong. Kung hindi pa rin mawala ang stain kahit madami na fluids at nilalagnat si baby, paunti unti ang ihi, saka makipagugnayan sa doktor for a urinalysis. Ano ang mas malalang senyales ng dehydration na kailangan dalhin sa ospital? Kahit ano dito: 1. Walang ihi sa loob ng 6 na oras. 2. Irritable o walang malay ang bata. 3. Uhaw na uhaw si baby at irritable 4. Walang luha, malalim ang mata at tuyong tuyo ang loob ng bibig. Kapag ganito, ipagbigay alam sa pinakamalapit na ospital para madala sa ligtas na ER. Magbigay ng ORS (oral rehydration solution) habang naghihintay sa pagpunta sa ospital (magtanong online sa doctor na maaring makatulong sa dosage).

Đọc thêm
5y trước

Thank you so much sa info, mommy! Gagawin ko 'yung mga nandito. Medyo concentrated nga ang wiwi ni LO pansin ko kase mas madilaw siya unlike sa wiwi niya kahapon ng umaga.

Thành viên VIP

May rashes po ba sya sa pwetan or private area mamsh? Baka dahil dun. Kasi si baby ko nagkaganyan din dati tapos un pala nagdudugo na ung rashes nya sa pwetan. Minsan pahinga mo sa diaper si baby.