Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Pusod ni Baby
Mga mie, normal lang po ba ang ganitong itsura ng pusod ni baby? May kunting amoy din po ang pusod nya. Wala naman pong kakaiba sa kanya, di rin sya iritable. Nasasagi kasi sa diaper ang pusod ni baby kahit i-fold ko. Ano po ba mga pwede ko gawin para maging maayos agad pusod ni baby? 6 days old na po si baby mga mie. Ps. Naka sched na po kami check up sa pedia mga mie.
40 weeks 2 days pregnant
Mga mie, kanina po early morning panay hilab po tyan ko, sabay ng cramps na para akong rereglahin. Then sa afternoon may parang mucus na po na nalabas sakin na may kasamang dugo. Malapit na po kaya ito? Hanggang ngayon po kasi panay sakit parin po puson ko. Last ie kasi sakin is nung Monday pa and close pa po daw cervix ko. Any tips na rin po please para mag labor na po talaga ako mga mie. Nag insert na po kami EPO nung Monday, panay walking and squat din ako at saka pineapple juice. Tia. LMP Due Date: July 14 ULTRASOUND Due Date: July 17
PRE-SCHOOL
Turning 5 na po ngayong August ang panganay namin and di pa rin po sya nag aaral. Plan kasi namin ni hubby next school year na sya pag aralin since kabuwanan ko na this month and walang makakapag asikaso sa kanya. Okay lang po kaya yun mga mie na 5 years old na sya mag start mag school? Next pasukan po ba is dapat kindergarten namin sya i-enroll? Nag hire din po pala kami ng tutor nya mga mie, okay lang ba yun 1 hour a day tas 3x a week na schedule?