Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Momshoe
Dugo sa poop ni baby
Hi po mga momshie ask ko lang po kung normal ba to sa baby na nag iipin? May dugo po kasi poop ni baby yung dati po meron din pero papatak patak lang Di naman ganito kadami... Patulong naman po...
Stool and urine
Mga momshie na papraning nako... Normal lang po ba yung may dugo sa poop at kulay pink sa ihi ni baby? 😭
Immunization
Mga momsh tanong ko lang kung anong ibig sabihin pag Di nilagnat si baby after immunization niya? Dalawang turok po sya ngayon left and right legs... Nag iiyak lang po sya kasi masakit pero Di naman po nilagnat... OK lang po ba yun?
Breastfeeding concerns
Hi po mga momshie... Tanong ko lang po bakit po kaya laging nabubulunan or nasasamid si baby habang dumedede? Kahit po nakahiga or buhat ko sya... O kaya po kahit naka angat naman po ulo nya ganun padin po... Saka parang lagi syang pagod na pagod pagtapos mag dede.. Hingal na Hingal... Minsan pa parang nahihirinan sya nahihirapan huminga... Ano po kayang ibig sabihin nun? Sana po may makasagot... Maraming salamat po
Household chores
Mga momshie kaylan po kaya ako pwede mag laba? 2 months palang po since pinanganak ko si baby... 😅 Natatambak napo kasi labahin namen eh wala pong ibang gagawa dahil may trabaho si mister... Salamat po sa sa sagot 😊
Any advice po
Hi po... Ano po kayang pwedeng gawin... Parang Di napo nabubusog si baby sa gatas ko... Hirap papo dito sa bahay puro prito at walang sabaw ang ulam... Nakakaawa po si baby iyak NG iyak habang dumede de 😔