Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mahirap padedehin si LO, 4months and 25days na po sya.
Hello mga mii, ask ko lang po sino po dito nakaexperience na nagugutom si LO pero kapag nilalagay na po dede sa bibig nya ayaw nya at mukang naiirita sya. Malapit na po mag 5months si LO. Dati naman di sya ganto lalo kapag inaantok sya kasi pampatulog nya dede. Ano po ginawa nyo? last night po di sya dumede gang umaga, 10hrs po mahigit na ayaw dumede. Nagwoworry at nastress na din po kasi kami ni hubby eh😞. Thank you po sa sasagot.
Kailangan pa bang mag dreamfeeding o hindi na?
Hello mga mii😊 ask ko lang po, need ko pa ba idreamfeed si baby? kasi medyo nadadalas na kapag dedede na sya ng madaling araw ayaw na nya ibuka bibig nya kahit 4-5hrs na nakakalipas after nung huli nyang dede. Kaya pag ganun inaabot kami ng mahigit isang oras para lang dumede sya, ta-timing pa ko na ibubuka nya bibig nya at aalisin dila nya sa ngala-ngala para sumipsip sya sa dede nya. Hindi ko kasi alam kung dapat ko bang ihinto na ang dreamfeeding sa kanya or hindi eh😅 Nagwoworry naman ako na baka madehydrate at bumaba yung sugar level nya kapag di ko sya napadede. Any experience po sa mga ganto and kung ano po ginawa nyo? Thank you!💙 4months and 23days na po si baby, bottle-fed din po.
3 months 21 days na si baby, dapat na po ba syang magpalit ng mas malaking butas ng nipple bottle?
Hello mga mii😊FTM here. tanong ko lang kung pano nyo iniba nipple bottle ng mga LO nyo? last time kasi pinalitan ko yung kay LO after nya dumede sumuka sya😔 tapos nitong nakakaraan may times na nag 5oz sya ng dede tapos lately naman yung normal nyang 4oz na dede di nauubos kaya ginawa na lang naming 3oz every 2-3hrs para nauubos nya. ang bilis nya na din kasi madistract kapag dumedede sya😞 ano po kaya pwedeng gawin mga mii? di ko na ba dapat palitan nipple bottle nya? or palitan then unti untiin muna dede nya hanggang sa masanay sya? thank you po sa sasagot!😊
Di inuubos ang dede kapag naubos naman minsan sinusuka
Hello mga mii, ask ko lang may nakaexperience ba sa inyo na yung mga LO nyo gutom pero di naman nauubos yung usual na dede nya? or kapag naubos naman minsan sinusuka? umiiyak din po sya bigla habang dumedede kaya di na nauubos gatas nya.. nagstart kasi sa LO ko nung mag 3 months sya hanggang ngayon na kaka3months pa lang nya.. di ko kasi alam kung dumadaan talaga sila sa gantong stage eh😅 masigla naman kasi sya at walang lagnat. thank you po sa sasagot😊
Kailan bumabalik ang normal na mens after manganak?
Hello mga mii😊 kailan bumalik sa normal mens nyo after nyo manganak? CS po kasi ako, last april 11 nanganak kay baby and until now wala pa din regular na mens. thank you po😊
Nakausling pusod ni LO
Hello mga mi, normal po ba na umusli pusod ni baby? higit isang buwan at kalahati pa lang po si LO. thank you po sa sasagot😊
Dry Cough
Mga momshie, ano kaya pwede gawin? kasi inuubo si baby pero wala naman syang lagnat, di din naman sya umiiyak pag umuubo, tinitingnan ko din yung paghinga nya normal naman. ftm here, nakakapraning kasi😢 wala pang 1 month si baby..
14weeks 5days pregnant (rainbow baby 🌈)
Hello mga miii, nakakaranas din ba kayo ng pangangati sa ibang parte ng katawan tapos may mga maliliit na butlig na tumutubo lalo sa pagitan ng dibdib? bukod sa naglabas kasi warts ko (nasa lahi talaga ng mother ko)at pimples na naglabasan ang dami ko din mga butlig minsan ang kati. ano po kaya pwedeng ipahid para mawala? salamat po sa sasagot😊
Miscarriage
Hello po mga mommies, ask ko lang if normal bang nahihilo after maraspa? di kasi nadevelop embryo sa pagiging baby kasi nawala heartbeat nya😢 kaya need na iraspa.. last saturday (11-23-24) ng hapon ginawa procedure pero until now pag matagal akong nakatayo or kahit upo unti unti akong nahihilo kaya humihiga ako pag naramdaman ko na.. normal lang po ba yun mga mommies? salamat po sa sasagot..
Ok lang po ba ang rice coffee sa mga buntis?
Hello mga mommies, ask ko lang if ok lang ba rice coffee sa mga buntis? salamat😊