Kailangan pa bang mag dreamfeeding o hindi na?
Hello mga mii😊 ask ko lang po, need ko pa ba idreamfeed si baby? kasi medyo nadadalas na kapag dedede na sya ng madaling araw ayaw na nya ibuka bibig nya kahit 4-5hrs na nakakalipas after nung huli nyang dede. Kaya pag ganun inaabot kami ng mahigit isang oras para lang dumede sya, ta-timing pa ko na ibubuka nya bibig nya at aalisin dila nya sa ngala-ngala para sumipsip sya sa dede nya. Hindi ko kasi alam kung dapat ko bang ihinto na ang dreamfeeding sa kanya or hindi eh😅 Nagwoworry naman ako na baka madehydrate at bumaba yung sugar level nya kapag di ko sya napadede. Any experience po sa mga ganto and kung ano po ginawa nyo? Thank you!💙 4months and 23days na po si baby, bottle-fed din po.


