Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
God's Grace
Mataas ang pain tolerance
Hi, may katulad po ba ako dito na hindi nakakaramdam ng pain kahit 3cm na? Last week pa po ako nag open cervix, 2cm. Sabi ng midwife ko masakit na daw pala talaga nararamdaman ko, pero napaka minimal lang naman po ng sakit. Nung Wednesday 3cm na, still no pain, discomfort lang po. Diko po tuloy alam paano ko pa malalaman kung naglelabor na ako. Thick yellow discharge lang meron sakin ngayon. UPDATE: 4cm na, still no pain. Dipa tuloy ako maadmit.
Parang may lobo sa puson
Hello po, normal po ba yung feeling na parang may lobo sa puson ko? Yun na po ba si baby? Turning 12weeks po.
Laging gutom
Hello po, 5weeks pregnant palang po ako. Pero ang laki na po ng nadagdag na timbang sakin. Ang lakas lakas ko po kumain ang bilis ko po magutom. Halos oras oras. Huhu pa suggest naman po ano pwede ko gawin o kainin na di naman lalaki si baby ng sobra. Baka sa panganganak ako mahirapan eh. Thanks po.
Halos walang sintomas ng pagbubuntis
2nd pregnancy ko po ito, blighted ovum po yung una. 7weeks po ako ngayon. Nag first ultrasound po ako nung 5weeks walang nakitang kahit na anong sac thick endometrium lang. Sobrang nastress po ako kaya nagspotting ako. Ngayon naman po wala nako spotting mag 2weeks na po akong bedrest at sa 24 na po ang ultrasound ko. Feeling ko wala akong masyadong symptoms. 😩 Mejo sore lang breast, at masakit minsan ang balakang. Compared sa first pregnancy ko na damang dama ko ang symptoms 4weeks palang. Hayyy