Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Queen of 1 curious cub
Pagod at stress
Good morning mommies, sino po dito ang 26 weeks and nag gagawa pa rin sa gawaing bahay? Hindi ko kasi maalis sa isip ko na baka mapaano din si baby kapag napapagod ako. May mga mommies ba dito na nanganak na okay naman ang baby nila kahit sila ang gumagawa ng gawaing bahay, like maglaba, magluto, mag hugas etc? Since malayo ako sa amin at dito ako sa province at wala naman ang asawa ko kondi mga kamag anak nya lang ang nandito. Syempre kikilos at kikilos ako baka may masabi kasi. Ayoko na masabihan na hindi ka naman na bisita dito pamilya ka naman na namin. Depende sana kung sinabihan ako ng ganyan tapos wala akong ginagawa talaga eh pero sinabihan mo ako na meron naman akong ginagawa masakit lang po 🥹 hindi ko na lang sinabi sa asawa ko baka magsabi naman sa pamilya nya heheheh. Parang gusto ko na lang bumalik sa pamilya ko at least doon pahinga kung pahinga talaga kung may gagawin at least hindi masyado pagod. Akala ko kasi dito makakapahinga ako at hindi mastress kasi yun ang sabi nya (asawa ko) yun pala ma stress at mapapagod din pala ako. Stress ako sa batang palaging inaaway binubugbog ang 3 YO kong babae tapos ang bata lalaki na 3 YO din naman pero malala kasi palaging ni re wrestling ang baby ko palaging sinasaktan. Hindi ko naman mapagsabihan at iba ang salita hahahaha. Naaawa na lang ako sa anak ko palagi na lang umiiyak dahil sa kanya.
Recommend and Suggestions.
Hi mga mi, ask lang po kung ano ang pwedeng alternative bukod sa gamot na pang ubo kasi ayaw ko na uminom ng gamot saka pinapa admit ako ng doctor kapag hindi pa nawala ang ubo ko, ayaw ko naman ma admit. Ang ubo ko po kasi nag start lang nitong mag 3 months na ang tiyan ko now I'm currently 6 months na may ubo pa rin ako bali 3 months na rin ako may ubo. Nag inom na ako ng mga antibiotics pero hindi pa rin nawala wala kaya ayaw ko na uminom kasi nag woworry din ako sa baby ko na ka ilang inom na rin ako ng antibiotics dahil sa UTI ko at neresetahan na rin ako ng gamot noon para sa ubo pero hindi umepekto sa akin. Ang ubo ko naman alam nyo yung parang may bumara sa lalamunan na plema pero hindi naman sya plema basta malapot lang sya tapos pag ramdam mo na uubo ka iuubo mo talaga. Gusto ko sana mag take ng kalamansi juice na may luya ewan ko lang kung pwede ba yun baka kasi mag ka contraction pa ako eh. Please po 🥺 Kaya please sino ang may same case ko dito na hindi umiinom ng gamot sa ubo pero okay naman na sya.
Samgyup for preggy
Hi po, ask ko lang pwede po ba mag samgyup ang 4 months preggy natatakam na po kasi ako eh mag 5 months na rin po sa September 12 hehehe. Sana may makasagot.
Sorbifer plus and calvit gold
Paano po itake itong dalawang ito. Empty stomach or dapat may laman ang tiyan. Thank you.
TRAVEL FOR 15 WEEKS PREGNANT
Hi, ask ko lang po sa mga mommies dito, safe po ba na mag travel ng Malayo ang 16 weeks preggy. 14 hours po kasi ang travel namin. We need na umuwi po ng province. Thank you po.