Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hi everyone!
Ano masusuggest niyo na mapagkakakitaan habang nagaalaga ng newborn?
Gusto ko lang magkaroon ng kahit papaanong income habang nagaalaga ako, 4mos na ang lo ko at mixed feed na kaya pwede na ako magkikilos. Baka may suggestion kayo jan hehe thankyouuu in advance❤️
Di pa masyadong palangiti ang baby ko
Kaka 3 months lang ng baby ko ngayon March 11, gusto ko lang mag ask if dapat ba kong magalala if di pa siya palangiti samin masyado. Pero every morning pag binabati ko siya tas alam niyang babangon na kami, nginingitian niya ko minsan.
BABY BUMPS
Tanong ko lang if dapat ba talagang pahiran ko ng gatas ko yung mga bumps niya (breastfeeding po ako) Nagaalala ako baka lalong dumami kase unhygienic ata yon kase malagkit gatas ko pag natuyo 🥲
Tips for recovery po
Anxiety ko talaga bumuka tahi ko, and parang bumuka nga siya ngayon sa unang pagdumi ko, 3days napo pala ako mula nung nakapanganak, any advice for recovery po
AFTER SAMGYUP, DELIVERY NA KINABUKASAN
Nag samgyup kami ng Sabado, nagpa check up pa kami bago umalis and nagsabi na ang ob ko na magpa swab test na daw ako kase anytime pwede na siya lumabas. The following week sana kami magpa swab kase nga may lakad kami. Fast forward nag samgy kami (location pala namin is Montalban, Rizal tas kumain kami sa Camarin, Caloocan) Malayo ang byahe, paguwi ay nagpaalam pa sakin asawa ko na magiinom daw sila, pumayag ako kase matutulog nalang naman ako eh. Nakatulog ako ng 2hrs, 11pm siya umuwi at may nangyari samin. Di nako nakatulog non. Di ko namalayan na pumutok na yung panubigan ko, namalayan ko nalang na nananakit ang puson ko, pagpunta ko sa cr may malapot at may dugo. Pinakiramdaman ko pa sarili ko hanggang 1am ginising ko na asawa ko kase wala ng 5mins ang pagitan ng paghilab na nararamdaman ko. Pinatulog ko pa siya ulit kase sabi ko pakiramdaman ko sarili ko. Doon palang ako naghanda ng dadalhin ko kase nga akala ko ay next week pa ako, nakatulong ang distraction na yon para kahit papaano makaya ko yung sakit. After ko mag asikaso ay sobra na yung sakit ininform ko na yung mama ko, nakiramdam na kami. After 4hrs ng pananakit na wala na halos interval nagpasya na kaming pumunta sa lying in, 4am yon, pagka check sakin 4-5cm na daw ako, then naging 6-7 cm na, nilipat na ko ng bed. First time mom ako, kaya clueless ako anong ginagawa, ano dapat gawin, pero di naman sila nahirapan sakin dahil nanunuod nako kung paano, mentally ready na din ako na mahirap siya kaya pain tolerance ko niready ko na. Normal delivery ako, akala ko di ko kakayanin, pero at exactly 5:39am, nailabas ko ang aking baby girl! Healthy at ang lakas niyang dumede now, fast recovering din ako, thank God, tanggal lahat ng anxieties ko pag labas niya. Goodluck sa lahat ng may kabuwanan na! KAYA NIYO YAN!!!