Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Cloud and Freya
Constipation at 33 weeks pregnant
Hello mga mommies, sino po dito nahihirapan mag poops? Di po kasi ako maka dumi 6 days na nasakit lang tyan ko, natatakot kasi ako iire. Pero before ako mag 8 months nakaka dumi naman ako ng ayos, malakas naman ako mag water less rice na din at puro gulay naman kinakain ko specially sa gabi. 😢 Ano po ginagawa nyo para maka poops. Salamat po
Folic acid, obimin, B-prime
Hello mga mommies, ako lang ba hindi nainom ng vitamins (obimin-every morning and B-prime every after lunch). Kasi parati ako sinisikmura, nahihilo at nagsusuka pag iniinom ko yang 2 vitamins na yan. Nag pa consult na ko sa oby, need ko daw yan pero ok lang daw alternate pag inom, ganun daw talaga ang side effect nya, pero di ko talaga kaya mas nanghihina ako at maghapon lupaypay ka susuka. Pero folic acid (foladin) every night consistent naman ako sa pag iinom,wala naman problem na naexperience ko after. Basta kakain na lang ako ng healthy foods, veggies, fruits.. 18 weeks preggy na po ako ngayon and first time mom.
Morning sickness?
Hello mga mommies, 11 weeks pregnant na po ako. And niresetahan ako ng oby ko ng antibiotic and pang pa kapit dahil may uti po ako for 1 week lang naman. Same po ba tayo ng experience, everytime na iinom ako parati nasusuka at kinakabagan. May interval naman ang pag inom ko ng antibiotic, pang pa kapit and vitamins every morning and night yan. Di ko sure kung kasama pa din ba to sa morning sickness or dahil sa gamot.. Thank you and keep safe satin mga mommies.
Morning sickness
Hello mga mommies, going 9 weeks preggy na ko and 1st time mommy din. Sino sa inyo nakakaranas ng matinding pag susuka? As in lahat ng kinakain specially with rice ayaw ng tyan ko isusuka ko ng simot. Wala din ako kini crave na food, kahit sa panlasa ko masarap, yung tyan ko naman isusuka sya. Kaya ang hirap parati ako gutom pero di naman makakain ng ayos. Minsan 2 spoon na lang ng kanin kakainin ko isusuka ko pa din. My idea kayo until kailan kaya to? As per oby kasi normal lang daw to basta kakain pa din daw..