Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Queen bee of 2 naughty junior
pretermLabor
Nov 2 in the Morning nakaramdam ako ng sakit sa puson. Pinabayaan KO lang kasi AKala KO kinabag or lamig lang. Pabalik balik ung sakit nya . nawawala sumasakit tapos babalik na naman . pag dating ng hapon iba na ung sakit nya inabot na sa balakang . Iba na ung sakit kaya Nag text ako sa OB ko . at agad akong pinapunta. Habang nag lilinis ako ng katawan may pinkish discharge ako kaya natakot na ako dahil 32 weeks and 3days palang baka mag preterm Labor ako kasi May history na ako ng preterm labor gaya sa panganay KO na 8months lang din . natatakot ako . kaya nag Pa check up ako sa OB. Nag Pa laboratory ako . CBC at Urinary . wala naman ako UTI check ng heartbeat ni baby okay naman . Pag IE sakin ng OB KO Close cervix naman . then pag BPS Ultrasound okay naman Lahat . panubigan inunan. At si baby. Binigyan ako ng Mga Gamot ni OB at ininjectionan ng para sa Baga ni baby if ever na lumabas sya .pinag Bed rest ako . Natatakot lang ako . kasi Sumasakit parin tiyan KO . di nawawala ung sakit. ? baka manganak na naman ako ng wala sa oras ??? 3:35 am na ngaun. di ako makatulog kasi sumasakit tiyan KO nawawala tapos bumabalik. sabi ni OB call kulang daw sya kapag tumagal ng 10mins Yong sakit. Lord Wag naman po Sana ako manganak ng wala pa sa kabuanan KO ????
paninigas ng tiyan ?
Normal lang po ba na palaging naninigas ang tiyan ? 32 weeks and 3days na po ako
pwede bang mag punta sa sementeryo ang buntis
Sabi po kasi bawal daw ?
diet .
Pinag diet na ako ng OB KO. Share naman kayo ng recipe na pamalit sa rice.
malaki ba ?
30weeks and 2days.
30 weeks
Konting kembot nalang baby makikita kana namin ni daddy at ni kuya . Dec. 25 due date ko . sino team dec dito ?
excited much na me . ?
29 weeks And 4days ?????? Pwede pa kaya mag Bago ung gender ni baby ? Nung unang ultrasound ko kasi Baby Girl tapos ung pangalawa Baby boy naman daw . hehehe . paultrasound ulit ako this coming october 20 . okay lang kahit boy pero gusto ko sana Girl kasi Boy na panganay ko hehe . pero okay lang Basta healthy . pero possible ba na mag bago na naman ung gender ? 5months palang tiyan ko last ultrasound ..
29weeks preggy
Sobrang Laki Po ba ng tiyan ko ?
mag lakad lakad
Pinipilit ako ng nga tao na lakad lakad na daw ako para di daw ako ma cs. Natatakot ako kasi ganun din Ginawa ko sa panganay ko lakad ako ng lakad Ayun 8months palang lumabas na sya dahil mababa pala matris ko kaya natatakot ako ng mag lakad lakad ng wala pang 37 weeks kasi ung panganay ko premature 8months palang lumabas na . ung mga tao dito kahit anong explain ko na mababa matres ko at ayoko muna mag lakad lakad GnaG ayaw maniwala .. Kailangan ba sundin ku sila hays. Natatakot lang ako baka manganak na naman ako ng wala pa sa duedate nakakatakot un kasi muntik pa mamatay ung panganay ko. Im 28 weeks and 5days pregnant po.
28weeks
Sino dito ang same KO na 28 weeks ? Konting kembot Nalang mga sis Makikita na natin ung baby natin ?? DEC 25 due date ko