EDD: November 24,2019
DOB: November 19, 2019
Sharing to you guys my birthing stories. November 17 (Sunday), kumain ako ng pineapple ng lunch and uminom ng pine apple juice ng dinner time. Nagising ako ng 4am ng Nov 18 (monday) na masakit ang chan, binalewala ko lang kase baka false labor lang o kaya naman normal lang na masakit ang chan ko. Nakapag lunch pa ako sa mcdo ng 12pm ng chicken fillet with large pineapple juice again at sumasakit pa din chan ko na binabalewala ko. Pero pagdating ng 6pm panay panay na ang sakit at ngalay sa balakang ko. Hanggang nagdecide kami ng asawa ko na pumunta sa hospital, pagdating ko ng hospital, nagulat ako kase 7cm na pla ako. Totoong labor na pla nararamdaman ko. Hanggang 2-3mins na lang ang interval ng sakit. At 930pm, pinasok ako sa delivery room para manganak. Try to push para bumababa si baby at mailabas ng normal, pero hind bumababa. Tinanong na ako ng ob ko kung gusto ko na ba ma cs ako. At pumayag na ako. Pinapirmahan kami ng waiver/consent para sa procedure. After mapirmahan, ang bilis na ng pangyayare, tinurukan na ako ng anesthesia and all. At pag dating ng 12:12am (November 19/Tuesday) sumigaw sila ng baby is out. Doon ako nakaramdam ng relief at sa wakas nakita ko na si baby AJ. Salamat sa app na to, madami akong natutunan as a first time mom. :) good luck sa team november. :) maganda ang magiging pasko natin.
Đọc thêm