Sharing is caring

#Ctto PAANO MAPAPARAMI ANG BREASTMILK? Karaniwang problema ng ilang breastfeeding moms ang pagpaparami ng gatas sa unang linggo matapos nilang manganak. Ang dahilan nila ay parang hindi nabubusog si baby dahil sa iyak ito ng iyak pagkasilang. Bakit nga ba umiiyak ng umiiyak si baby paglabas? Sa loob ng 9 na buwan, nasa loob si baby ng sinapupunan kaya naman paglabas niya sa outside world ay talagang maninibago siya. Bukod doon, nanggaling siya sa isang warm na environment at pagkasilang ay bigla siyang mapupunta sa isang malamig na lugar. Natural lang na umiyak siya ng umiyak dahil sa transition mula sa sinapupunan hanggang sa bagong mundo niya. Ang pag-iyak ay pwedeng dahil sa gutom siya, may dumi siya, giniginaw o naiinitan siya, o kaya naman ay gusto lang maramdaman ang yakap ng kanyang ina. Paano malalaman na may nasususo siya? Malalaman na mayroon siyang nakukuhang breastmilk (colostrum to be specific) sa pamamagitan ng output tulad ng ihi at dumi. Kaya kung mapapansin mo, ipinapalista sa hospital kung ilang beses umihi at dumumi ang bata bago kayo pauwiin. Tandaan na sa unang tatlong araw, kakaunti palang ang gatas na mapo-produce ng suso, sakto lang para sa maliit na tiyan (sinlaki ng calamansi) ni baby. Sa ikaapat o ikalimang araw, doon palang lalabas ang tinatawag na transitional milk o yung gatas na inaasahan nating tumutulo o sumisirit. Paano kung talagang kaunti lang ang gatas na lumalabas? Ang breastfeeding ay nakabase sa law of supply and demand. Ibig sabihin, mas sumususo si baby, mas dumadami ang gatas. Kapag sa unang tatlong araw ay nagbigay kaagad ng formula, ang tendency nun ay hihina ang gatas dahil hindi sumususo si baby sa’yo. Ano ang pwedeng gawin para lumakas ang gatas? 1. Itigil ang pagbibigay ng formula – Kagaya ng nabanggit, nakakapagpahina ng gatas ang pagbibigay ng formula sa sanggol. Bukod sa hihina ang supply, pwede ring magkaroon ng nipple confusion si baby. Nipple confusion ang tawag kapag ayaw nang sumuso ni baby kay mommy dahil nasanay na siya sa nipple ng feeding bottle. 2. Pasusuhin ng pasusuhin si baby hangga’t gusto niya (Unlilatch or Breastfeed on Demand) – Kagaya ng unang nabanggit, nakabase sa law of supply and demand ang breastfeeding. Okay lang na pasusuhin ng pasusuhin si baby. Hindi siya mao-overfeed dahil kontrolado niya ang paghakab niya. Ang recommended na pagsuso ay every 2 to 3 hours o 8 to 12 times a day at Unlilatch. 3. Mag-pump o mag-hand express- Kapag hindi nauubos nang maayos ni baby ang gatas sa suso, makakatulong ang pag-pump o pag-hand express. Ang maayos na pag-“empty” sa suso ay nakakatulong para dumami ang gatas at para maiwasan ang plugged/clogged ducts o baradong daluyan ng gatas. 4. Mag power pump – Makakatulong ang pagsasagawa nito para sa mga pumping mommies. Magpump ng 20 minutes, pahinga ng 10 minutes, pump ng 10 minutes, pahinga ng 10 minutes, pump ng 10 minutes. Kailangan ng consistent interval kapag nagpupump para ma-maintain ang supply, yun ay every 2 or 3 hours. Para sa working moms, mayroong lactation break na 40 minutes maliban pa sa regular breaks ng kumpanya. 5. Subukan ang Galactagogues o Breastmilk Boosters – Isa sa mga pinakakilalang galactagogue ay ang malunggay. Pwedeng maglaga ng dahon ng malunggay at inumin yun o kaya naman ay magluto ng masabaw na ulam at lagyan ng malunggay. Kabilang din sa galactagogues ang tahong, halaan/tulya, buko, luya, lactation cookies, M2 tea, at Natalac capsule. Tandaan na stimulation ang susi sa pagkakaroon ng gatas. Kahit na kumain ka ng kumain ng galactagogues, kung hindi ka magpapasuso, hihina ang gatas mo. 6. Stay Hydrated – Uminom ng at least 8 glasses ng tubig kada araw. Kapag nagpapasuso ka, mas madalas kang mauuhaw. Uminom kapag nauuhaw dahil kailangang palitan ang liquid na nawawala sa iyong katawan. 7. Kumain nang Tama – Kahit na hindi totoong nasususo ang gutom, kailangan mo pa ring kumain ng wasto para sa kalusugan mo. Kapag overly malnourished ang isang ina, pwede nitong maapektuhan ang gatas niya. 8. Iwasang uminom ng mga gamot na hindi compatible sa breastfeeding – Mayroong mga gamot na nakakapagpahina ng gatas. Siguruhing i-check sa e-lactancia.org ang generic name o active ingredients ng gamot bago inumin. Kapag nakitang Low Risk Probable o High Risk Probable ang isang gamot, magtanong ng alternatibo sa doktor. 9. Umiwas sa stress – Nakakapagpahina ng gatas ang stress kaya hangga’t maaari ay umiwas sa stress o mag-aral ng stress management. 10. Umiwas sa paninigarilyo at sa pag-inom ng alak – Ang paninigarilyo ay delikado para sa’yo at para sa kalusugan ng anak mo kaya hangga’t maaari ay iwasan ito. Ang labis na paninigarilyo ay nakakapagpahina ng gatas gayundin ang labis na pag-inom ng alak. 11. Magpa-lactation massage – Malaki ang maitutulong ng lactation massage para matanggal ang mga namuong gatas sa suso. Makipag-ugnayan sa Breastfeeding Pinays para makahanap ng pwedeng mag-massage malapit sa inyong lugar. 12. Magtiwala sa katawan at sa gatas mo – Believe in the power of your breastmilk. Ginintuan ‘yan at isang espesyal na biyaya galing sa Panginoon. Kung tutuusin ay hindi mamomroblema sa supply ang isang ina kung sa umpisa palang ay alam na niya na hindi dahilan ang pag-iyak ni baby para isiping kulang ang gatas niya. Subalit, kagaya ng ibang nanay na dumaan din sa pagiging first-time mom, mayroon talagang mga bagay na hindi pa natin agad malalaman. Kung isa ka sa mga nanay na namomroblema sa supply, subukan mong gawin ang mga tips na nabanggit at nawa sa susunod ay i-apply na ang lahat ng natutunan mo sa pagpapasuso sa iyong chikiting. Happy Breastfeeding! ? Written by: Van Mallorca Breastfeeding Mommy Blogger SOURCE: Breastfeeding Pinays ARTICLE LINK: https://mommybloggervan.wordpress.com/2019/02/23/paano-mapaparami-ang-breastmilk/?fbclid=IwAR05Sr3Kb4g5RqiwIU3Cu_Xfvy4eS01CuWvVFQTHVpai8P0vNNyXcZccDYE Photo credits: https://babiesfirstlactation.wordpress.com/tag/size-of-babys-stomach/

Sharing is caring
5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Thank you sis