Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Dreaming of becoming a parent
Pre loved Baby bed
Hi mga momshies, baka po gusto niyo pong bilhin. Preloved baby bed, di na po nagagamit, . 300 nalang po, thank you
Pre loved Stroller
Hi momshies, baka po may gusto. Pre loved stroller, good as new po. Minsan lang po nagamit .1600 nalang po . Needed lang po ng pera. Thanks po
Rocker Crib
Hi mga momshies. Baka po bet niyo. Pre loved rocker crib, saglit lang po nagamit ni baby. GOOD AS NEW pa. Benta 2500 nalang po. Needed lang po money. Baka may gusto po diyan. Thank you.
Bloody discharge
Hi mga momshies. Tanong lang. Kaninang umaga. May lumabas na malagkit yung parang jelly with kaunting blood. Tapos. Patingin tingin ako sa panty ko. May bahid ng kunting dugo.. kaya ng pantyliner ako. Tapos naglalakad lakad ako. Pagkauei ko pagtingin ko sa pantyliner. May bahid ng kaunting dugo .. sign na ba to na malapit na ako manganak?. Sumasakit sakit lang puson ko. Wala pa naman sa balakang.
Close cervix
Hi mga momshies.. mga team December, last thursday inay e ako. Close cervix pa.. kanina pang 38 weeks and 3 days close cervix parin daw sabi ng OB, ano kaya dapt gawin ko. Naglalakd lkd nmn ako, umiinom din evening primrose tsaka pineapple. San makaraos na. :(
Team December
Hi mga momshies. Sino po dito EDD: Dec 16, God Bless sa atin mamsh.
lagnat
Hi mga momshies, ask ko lang. Worried na kasi ako sa baby ko. Pabalik balik po lagnat niya since last friday pa po, 1 week lagpas na pabalik balik lagnat niya, ang lamig pa ng pawis tsaka yung talampakan? Ano na kaya to, sabi nila pilay daw, ano sa tingin niyo mga momshies, delikado kasi pag dadalhin ko for check up .. Baka naman may naka ranas na sa inyo ng same situation sa baby nila. My baby po is running 6 months this 24, sana may makapansin
temperature
Hi po mga momshies, pag 5 months old baby yung temp niya is 37.2 or 37.4 may lagnat na ba si baby niyan? Worried lang ako.. Sana may makakapansin
ask lang
Hu mga momshies, sino po dito yung lo nila is 3 months old na, malakas na po ba dumede baby niyo? Kasi yung baby ko mix, yung baby ko ang nauubos niya max is 3 ounce lang minsan pa nga di niya maubos,
BM Supply
Hi mga momsh, sana may makapansin sa concern ko, last saturday po kasi nilagnat ako kaya uminom ako ng gamot simula gabi so di na nakadede si baby sakin, binilhan ng formula , nasasayang lang nung time na yun yung breast milk ko kasi nagpupump ako sobrang sakit na kasi ng dede ko sa sobrang tigas eh.. 3 beses ako ng pump kasi palageng tumitigas kasi puno na.. Tinatapon ko nalang,tapos nakaformula si baby simula saturday ng gabi hanggang lunes ng madaling araw kasi pagka umaga na ng lunes since okay na ako, naligo na ako para makadede si baby ,so ayun na nga.. Pero napansin ko parang lambot na lambot na ng dede ko parang wala ng masyadong gatas, parang unti unti siyang nawala. Kawawa yung baby ko kasi alam kong di siya satisfied. What to do moms? E formula ko nalang ba talaga siya since plano ko nman talaga e formula siya this mid of the month kasi dpat masanay na siya kasi babalik na ako sa work eh. Help me mga momsh need your opinion.Thanks