Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hardworking mom with two princesses
1 month and 12 days
Mommies tanong lang po, si baby kasi ang dali lang mag stop magdede sakin tapos mga ilang minutes gutom na naman po sya. Pano po ba malaman na busog sya? Last night ang dami nyang sinuka feel ko na oover feed ko na sya. 5.5 kg na sya ngayon 56cm height nya ❤️❤️❤️
11 days old c bb may fever
Mommies medyo mainit si baby wala kasi ako thermometer to check her temperature kasi sinira ng panganay ko di ako agad nakabili. 11 days old palang sya, sino same case ni bb dito?:( May sipon din sya at ubo. Huhu what to do? Wala kasi pedia kanina kaya di kami nakapa check. Natatakot akong dalhin sa ER baka e admit c l.o, ano po ba dapat gawin mommies? Di ko alam gagawin, naawa ako sa kanya:(
THANK YOU LORD
March 4,2020 11:45Pm via NSD 3.3kgs Nakaraos na din sa wakas? thank you sa mga nag advice sakin dito. May ask lang po ako di masyadong nagdedede sakin si baby, normal lang po ba?
this is it?
Need ko pa po ba mag walk? Di pa naman nag bbreak water ko. What to do first po?
39weeks and 1day
Hello sa mga kasabayan kong mommies? excited here! Puro paninigas pa ng tyan naranasan. Sana this week makita na namin si l.o, bigat na kasi ng tyan ko. Hirap na sa pag aalaga ni panganay. #handsonmom #teammarch
Kailan kaba dapat ina i.e?
Kumikirot² na puson ko po, discharge parin lumalabas. 39 weeks tom? still no signs of labor. Bumalik na naman si lbm, not sure if normal lang. Masakit na din yung akin pero tolerable pa naman. Wala pang mucus plug na lumalabas, panay maninigas lang ng tyan ko. Gusto ko na tuloy e induce nalang.. Kumain na ako ng pineapple, imuinom ng eve primrose at walking. Wala padin:( sakit ng puson lang feel ko di pa naman to yung tinatawag nilang contractions na tuloy². Any advice or tips po:( nakakastressed pala talaga.
LBM @38WEEKS AND 4DAYS
Mommies ano po ba dapat gawin? Galing akong check up kahapon, hydrite lang niresita sakin. Tas ngayon lang around 1:23AM sobrang sakit na ng tyan ko at parang nasusuka na ako. Kahapon pato nag start eh panay balik ko sa cr. Likot ni baby sa loob feel ko parang affected din sya? sana walang masamang mangyari sa kanya. Feel ko sa sakit naglalabor na ako pero yun pala lbm lang. Any tips po para maging ok na, nakakatakot magpa hospital baka e admit ako or e induce wag naman sana.
Wholeday matigas ang tyan
Iba iba talaga pagbubuntis. Kala ko same lang sa first born ko pero ngayon tagal ni baby lumabas hehehe. Normal lang po bang matigas ang tyan? Wholeday na syang matigas 38weeks na po coming 39. Hirap sa paghinga. May diarrhea din kasi ako now pero niresetahan naman ako ng hydrite. Halos wholeday na syang matigas talaga.
38weeks and 2days
Can't wait makita si baby. Nagta-take nadin ng eve primrose para mapadali. 3kg na kasi estimated na timbang ni baby last time nagpacheck up ako baka lalong lumaki sya kaya atat na atat na akong lumabas sya baka sa huli ako yung mahirapan. Ano pa po ba dapat gawin para mas mapadali ang paghinog ng cervix mom's.
38weeks and 1 day
Waiting padin.. more walking, huhu medyo nakakainip din minsan.