Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
New mom
Ayaw dumede ni baby, 9months, formula milk
Hello mga mi. Nung nakaraan kase galing kameng hospital, nagsusuka at pupu kase si baby. Nadehydrate na sya kaya nilagyan ng swero, naging okay din naman sya agad. Malakas naman sya dumede nung paglabas namin pero kinabukasan halos ayaw na nya dumede. BTW may mga gamot po palang pinapainom sa kanya since nakita na may infection sya sa wiwi. Hanggang ngayon sapilitan sya padedehin halos ayaw nya talaga dumede, ung pagtatae nya di pa po nawawala hindi kase sya binigyan ng gamot sa pagtatae at wala daw nakitang prob sa pupu nya. Ung pedialyte man din po nasayang lang dahil ayaw nyang inumin. Nastress na ko mga mi.🥺
Diaper rash ni baby
Hello mommies. Si baby gurl ko kase nagkadiaper rash sya, nung dinala namin sa doctor may binigay na ointment, hovid po ung pangalan saka calmoceptine. Tapos habang may rashes sya di ko nilalagyan ng diaper. Nung umokey na nilagyan ko ng diaper tapos nagpalit na po kameng brand pero nagkarashes sya ulit. Hanggang sa nagdecide akong icloth diaper nalang sya pero di pa din po nawawala ung rashes nya kahit ginamit ko na ung binigay ng doctor. Ano po kaya magandang ilagay?
Halak formula milk
Hello po.pure formula po baby ko, 2months old. Napansin ko po na parang may sumasabit sa lalamunan nya parang halak po pero sa gatas po ata yun. Pwede po bang painumin ng water? Yun po kase sinasabe ng iba para mawala daw po at pag nakaformula pagtubigin daw.
Mix feeding
Tanong ko lang po pag mix feeding po ba need pa painumin ng water si baby? 3 weeks palang po ung baby ko sabe kase ng biyenan ko need daw mag tubig ng baby pag nakaformula milk. Nag aalangan po kase ako. 🥺
3 weeks after cs
Hello po. Nag lbm po ako ilang araw na, may kinalaman po kaya to sa CS ko? Nung unang week naman po hindi ganto constipated naman ako nun. Pero ngayon tuwing kakain ako napopoop ako agad. Kahit biscuit lang kainin ko poop agad.🥺😫
3 weeks after CS
4cm 36 weeks
FTM EDD: May 10 via ultrasound Hello po. Ask lang po ako ng advice. Dati po ako sa private na OB tapos last week po lumipat ako sa ospital namin public, 35 weeks po ako nun pinabalik ako after 1 week para IE daw po. Bumalik po ako kahapon pagka IE po sakin 4cm na daw po manipis na cervix. Pero 36 weeks palang po ako kahapon. Tapos sabe ng OB paadmit na daw po ako kaso wala pa naman akong nararamdaman. Tapos tinanong ko po kung safe na ba manganak oo daw. Umuwi muna ako pagkauwi ko may dugo na po ako til kaninang morning, feeling ko sa pagka IE lang. Tapos nagpunta po akong paanakan sabe di pa daw po pwede manganak kase kulang pa daw po sa weeks. Bedrest daw po muna ako. Di ko alam kung anong gagawin kase magkaiba po ung sinabi sa ospital saka sa paanakan.
Nakakaramdam ng hilo
Normal lang po ba makaramdam ng hilo tapos naduduwal 35 weeks pregnant po?