Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hoping for a child
aceite de manzanilla
Magandang umaga po, safe po ba ang aceite de manzanilla na ipampahid sa may sikmura? Lagi po kasi nasakit ang sikmura ko kahit sabihing bagong kain ako. 9 weeks pregnant po ako. Salamat po and God bless!
brown discharge
Hello po. Sana po may makapansin at makasagot. January 15 po ang lmp ko, nagPT po ako nung feb 22 kasi 1 week delayed na po ako. Since then po, meron po ako discharge. Tatlo po klase iniinom ko na gamot,fola at vitamom (folic acid po parehas) at heragest. Wala naman po akong narramdamang masama sa sarili ko,sabi din ng OB ko ok lang daw yun basta tuloy ko lang pag inom ng mga gamot. Nagpacheckup po kasi kami ng feb 27 at wala pa po nakita nung nagpatrans v ako (lining palang po ang nakita which is a SIGN daw po of pregnancy. Sign lang po) . Pinababalik nya po ako ng March 14 para po macheck kung may sac na po na makkita. Usually 35 days po ang cycle ko. Napaparanoid po ako kaya nagPPT pa din po ako. Hahahaha! Please bear with me po. Sana po masagot nyo. Maraming salamat po.
no gestational sac or heartbeat yet
Hello po. Nagpacheck up po ako kanina, supposedly po papacheckup po kami sa 2nd week of March. Pero dahil nagkaspotting po ako, nagpacheckup na po ako kanina. January 15 po ako LMP ko at dapat po nagkaron na ako nung Feb 17. 9 days late na po ako ngayon ayon sa FLO calendar app ko. Pero nung nagpacheckup po ako,wala po nakita gestational sac or heartbeat kasi sabi ng doktor, siguro days palang po yung baby or 2 weeks pero wala pa po GS. Normal po ba yun? I mean ok po ba yung ganun? Kinakabahan po kasi ako para sa baby ko. Pinababalik po ako ng OB ko ng March 12, meron po kaya dito na nakagaya ko yung case? May nakita po kanina nung nagpatrans v ako at sabi ng doktor ay possible sign daw po yun ng pagbubuntis ko. Ok din naman daw po ang parehas na matres ko. Sana po may makapansin ng post ko para mawala po kahit papano ang narramdaman kong pangamba. Salamat po!
checkup
January 15- 20 po yung may mens ako. 35 days po ang average cycle ko per month. Ok na po kaya na magpacheckup na ako or wag po muna?ang iniisip ko po kasi baka di pa makita agad sa trans-v yung baby or yung heartbeat. Pailang weeks na din po kaya ako?sabi po kasi ng biyenan ko mas ok daw po pacheckup pag naka1 month na akong walang mens. Sabi naman po ng Mama ko magpacheckup na ako. NagPt po ako nung sunday at may faint line na po,the next day po nagPT ulit ako pero lumabo po ang sa PT. Nagpablood test po ako at nagpositive. Sana po matulungan nyo ko magdecide ng dapat pong gawin na financially at emotionally wise na din. Hehehe. Salamat po! God bless po!