My 4hrs labor & 3 mins push! 💙👶🏻
Baby boy out! 💙👶🏻 EDD: Jan 20, 2023 (Lmp) DOB: Jan 18, 2023 11:46pm BW: 3.65kg Height: 54cm Lemme share my story mga mommies! ❤️ My 4hrs labor & 3 mins push! 😁 January 17 pagising ko dami ko na discharge yellowish siya na sipon so diko muna inintindi kase nga ganun din yung discharge ko nung mga nakaraang medj dumami nga lang pero sumasakit na yung singit ko tas puson siguro dahil na din sa bigat ng tyan ko. Hehehe Mga 10pm bumyahe pa kami para mag pa ultrasound kase nag request ulet ang OB ko kase lumaki ng daw si baby. Pagdating namin sa bahay talagang ganun na discharge ko madami talaga siya na yellowish na sipon. Di observe ko lang muna kase baka pag pumunta kami ng Lying In di pa pala. January 18 pagising ko ganun pa din siguro naka 4 na palit na ako ng underwear tapos kada ihi ko palaging may nalalaglag na parang sipon. At masakit na talaga singit ko di na ako makalakad ng maayos pero yung pain sa puson tolerable pa so higa ako maghapon tamang pahinga lang. Around 6:45 pm pag cr ko naging brownish na yung discharge na parang may sipon so sabi ko parang iba na ata to. Nakapag dinner pa ako pero pinapakiramdaman ko yung puson ko kase parang sumasakit na yung para kang may dysmenorrhea. 7pm sinimulan ko siya orasan kase masakit sa puson tas kahit anong higa, upo o tayo ko masakit talaga siya. Tumatagal ng 1-2 mins ang sakit every 8 mins. May pattern na talaga siya pero medj nakakatawa p ako kase di pa naman ganun kasakit. Mga 7:45 pm nagdecide na kami pumunta sa Lying in malapit lang dito samen kay 8pm nakarating na kami at in IE ako nasa 4cm na daw akooo. Kaya di na kami pinauwi. Tamang lakad ako para bumaba na talaga si baby pero pasakit na ng pasakit habang tumatagal di na ako makangiti hahaha kahit anong joke pa nila saken hahahaha. Umaakyat na yung saket sa balakang ko. Tas para akong natatae. 11:43pm pumutok na water bag ko kasabay nun akyat na sa table pero talagang lalabas na iring iri na ako ee nag gloves pa yung midwife sabi wait lang pati siya tuloy parang natataranta na kase nga sabe ko diko na kaya pigilan parang taeng tae na ko hahahaha. 11:46 pm lumabas na pagpasok ni Dra. Nakalabas na si baby. Speed lang HAHAHA kahit ako nagulat sa pangyayare ee. Advice mga mommies 😊 Effective yung inhale exhale kapag naglalabor na kapag sumasakit inhale exhale ka tas relax lang ang mukha. Nakakatulong yun. Nakakabawas ng sakit momsh. Goodluck sa mga mommies dyan! Kaya niyo din yan lakasan lang ang loob at magpray. Nakakawala ng pagod ay hirap kapag nakita an narinig mo ng umiyak si baby 🥺 Have a safe delivery! #teamjanuary
Đọc thêmHello po mga momshies ano po ang magandang contraceptive pills para sa breast feeding mom? Or ano po kay ang best option sa family planning?#advicepls Nag iingat lang po baka masundan si baby agad HAHAHA. Sakto pa nagka menstruation na ako aga ko po nag ka meron mag 5 mos palang po baby ko dis Dec. Thank you po sa sasagot ☺️ #contraceptivepills #Familyplanning #pleasehelp
Đọc thêm