Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mama bear of 1 active son
Vitamins for baby
Mga momsh ask ko lang if need paba ni baby mag nutrilin ganito na kasi yung vitamins nya pag morning 6 months napo ang baby ko. Dati po kasi ang vitamins nya is Ceelin yung kulay orange, naguguluhan lang ako kasi may nakalagay na food supplement don sa isang ceelin plus. Thank you po sana masagot.
HIRAP SA PAGTAE
Mga momsh, si baby ko 2 months old madalas ang poop nya is dry and minsan matigas tapos kapag tatae sya as in ang lakas nya umiri, namumula sya pag umiiri, ano po kaya pwede kong gawin para di po sya mahirapan mag poop,? By the way mix feed po sya at bonna po ang formula milk niya. Nakaka worry po kasi.
BREASTFEEDING MOM
Hello mga momsh, paano niyo po ba nalalaman na busog na si baby sa pagdede mismo sainyo? Mix feed po ako. Si baby ko kasi pag nag latch siya saakin ginagawa nyang pacifier ang dede ko haha diko alam kung nabubusog ba siya or hindi.. minsan din after nya dumede saken ipapaburp ko sya di sya nag buburp, so ginagawa ko after nya dede saken dede ulit sya sa bote. Tyaka concern kopa mga momsh kahit tama ang pag latch niya after niya dumede ang sakit ng mga boobs ko parang mahapdi feeling, normal ba yon mga momsh?
38 WEEKS AND 4 DAYS
Mga momsh any tips po para maglabor na? or mag open cervix na 😅 38 weeks and 4 days no sign of labor pa din po pero panay na ang sakit ng tyan ko. Thank you po sa sasagot. And any tips para mapadali ang labor.
Face not Visualize
Mga mi normal lang po yan?? Nagpa ultrasound kasi today, Im 37 weeks pregnant. Kaso ayaw magpakita ng mukha ang baby boy ko kasi daw nakasiksik na siya sa pwesto niya. So far lahat ng result is normal and healthy naman daw siya at kumpleto at naka Cephalic position na siya. Yan lang naman ang worried ko ayaw daw magpakita ng face dahil nakasiksik na daw siya. Normal lang ba yun mga miee?? Hehe 😅
Paninigas ng tyan
Hello po ☺️ tanong kolang po mga ka first time mom like me, Normal lang po ba yung paninigas ng tyan? I'm 33 weeks and 2 days pregnant po. Madalas kasi siya tumitigas tapos sobrang magalaw na si baby sa tummy ko.
ACTIVE BABY
Hello mga ka first time Mommy like me. I'm 31 weeks pregnant napo today and napansin kopo simula pagtungtong ko ng 3rd Trimester grabe sobrang active na ni baby sa loob ng tummy ko as in parang di na sya natutulog. Hahahaha okay lang ba yun mga mommy? Then kapag nagalaw siya parang ang sakit sa tyan. Normal po ba yon?
VOMITING ISSUE
HEllo mga mommy's, worried kasi ako, 24 weeks pregnant napo ako today. Kaninang umaga po pagkagising ko bigla akong nasuka yung tulad sa morning sickness ko noon sa 1st trimester ko. nung first trimester ko kase mga momsh sobrang lala ng morning sickeness ko, pero nung nag 2nd trimester na ako hindi na ako nagsusuka. Normal po ba yung ganun mga momsh na may mga days na nasusuka pa din until now? 😔
Philhealth contribution
Hello mga ka first time momsh ko dyan, ask ko lang po if magkano ang monthly contribution niyo sa philhealth? I'm 5 months preggy na po next week pa po kasi ako pupunta sa Philhealth, yung philhealth ko po kasi is dalawang beses lang ata nahulugan nung nagwowork ako as call center agent kasi nag resign din ako agad. Then simula noon hindi na nahulugan. Active pa po kaya yun?
SKIN CARE ROUTINE
Hello po mga ka mommy ask kolang po kung ano ang safe at pwedeng gamitin sa face pagtanggal ng pimples. Dami ko pong pimples huhu 17 weeks pregnant po ako. Thank you in advance 😘