Joy Briones profile icon
Kim cươngKim cương

Joy Briones, Philippines

Contributor

Giới thiệu Joy Briones

Domestic diva of 1 naughty junior

Bài đăng(14)
Trả lời(59)
Bài viết(0)

Sana All no more. Atlast 🙏❤

Due date Via Ultrasoujd: Jan 04 2021 Due Via LMP: Dec 30,2020 DOB: Jan 3,2021 Time: 9:10am Delivery: ECS Name: Lucas Ezekiel Berroya Weight: 3.44kg LONG POST AHEAD Share ko lang mga momsh experience ko sa 2nd pregnancy ko. Sa 1st baby ko normal delivery,pero this time sa 2nd,na emergency cs na ko 💔😓 Dec 17, 37weeks ko na close cervix pa din daw ako, kaya lakad lakad na ko, drink pineapple juice and squat everyday. Lagi lang ako may nafefeel na mbgat sa pempem which is normal naman daw pag malapit na due mo, and sakit sakit sa puson. Dec 29, nagpacheck up ako uli sa OB kasi naramdaman ko na parang may lumalabas na tubig lagi sa panty ko(hindi naman sya mapanghi) and ie nya ako, 1cm plang daw ako. Frustrated na ko that time kasi gusto ko na makaraos sana. So eto na nga, jan 1 ng tanghali,nakaramdam na ko ng mild contractions and inorasan ko sya gamit ung tracker app ko. Interval time nya is 15-20mins minsan 25mins pa,and hindi naman ganunnka strong.hapon lumabas mucus plug ko, mejo madami sya na may halong blood. Pagdating ng gabi,nagigising na ko sa mejo malakas na contractions kaya ang ending,hindi talaga ako nakatulog,and nagpadala ako sa hospital ng 4am. Pagdating sa hosp sadly 2-3cm plang daw ako and minonitor si baby at kung may contraction na talaga, sabi sken ng midwife wala pa daw and advice din na pa ultrasound din ako BPS para malaman kung ok pa panubigan ko since sa LMP ko lagpas na and ung due ko is jan 4 na. So uwi muna kami. Pero hindi na tumigil hilab kada every 10mins interval na. Jan 2 ng morning nagpaultrasound ako and check up uli IE uli ako baka may progress kasi nga pasakit ng pasakit ang hilab eh, 3cm na daw ako nung tanghali ng Jan 2. Pero pinauwi muna kami since nag aadmit daw sila pag 5cm kna pataas. So uwi muna kami,and eto na naman ako sobra frustrated kasi sakit na sakit na ko 😓😭 Until nag gabi na lalo nasakit, mga around 7pm hindi ko kaya pain, advice tita ng asawa ko na nurse na pumunta na kami hospital at magpaadmit na kasi nga strong na contraction ko. Jan 2 ng 9pm check uli ako midwife and OB,nasa 3cm pa din daw pero pinayagan na ko iadmit at imonitor si baby since may hilab na nga ako,nakita nila s screen na bumababa heartbeat ni baby umabot pa nga sa 90 lang😓.and ayon sa midwife mataas pa daw si baby hindi nya maabot ung ulo. Pag Ie uli sken ng 12midnight, 6,-7cm na ko sabi ob ko maglakad lakad pa daw ako para bumaba si baby kasi sinabi nya sken na baka ma cs ako kung wala progress.💔😭 So naglakad lakad uli ako, and at 3am pag ie sken bumalik daw ng 5cm dilation ko 🤦‍♀️🙄sobrang pagod na pagod na ko kasi nga naglalabor na ko, and sbi wala daw pagbabago mataas pa din daw si baby. Umiiyak na ko sa sakit at kinakausap ko na talaga si baby at pray din ako ng pray . I ie daw ako ng 6am pag wla progress sa cm ko at mataas pa din daw possible na ics na ko kasi due date ko is jan 4 tapos puro contraction ako pero d kaya daw inormal kasi masyado mataas si baby,and suspected nila na nacord coil sya since di nababa. Pag ie sken ng 6am ng jan 3, 5-6cm daw pero mataas pa and wala progress,tapos may nakaharang daw inunan sabi ng midwife sken. So no choice, nireffer nila ako sa hospital na may cs. And ayun na, at 9:10am na out na si baby. Hayy thankyou Lord at di mo kami pinabayaan ni baby. Kaya sa mga mommies jan na waiting manganak, makakaraos din po kayo kasi lalabas at lalabas si baby kahit ano mangyare. Sorry sobra haba na neto 😅🤣 Mabuhay mga mommy!

Đọc thêm
Sana All no more. Atlast 🙏❤
 profile icon
Viết phản hồi