Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
PAMAMANAS
26 weeks and 1 day na ko today. Ask ko lang mi etong mga paa ko kung manas na po kaya? Medyo worried kasi ako, ayoko magkamanas. Salamat sa sasagot. Pasensya sa aking paa medyo di paa ng babae yan 🤣
anterior placenta
Sino po dito katulad ko na naka anterior ang placenta, ramdam nyo po ba ang mga kicks ni baby nyo? Sakin po kasi di pa masyado. 20 weeks na kami ☺️
Urinary tract infection
Hi momshies bakit ganoon? Mag one week na bukas pagtake ko ng antibiotic para sa UTI ko, pero bakit ganoon sumasakit pa din pag umiihi ako at yng pempem ko. Sino po naka experience ng ganito tulad ko? Follow up ko din bukas sa OB ko.
Progesterone Suppository
Hi momshies, ask ko lang po pag na insert po ba yng gamot dapat po ba medyo ipasok pa po pati ang daliri sa pag insert kasi ang ginawa ko ngayon eh parang bungad lang pag lagay ko ng gamot. Dko na pinasok ng mabuti. Sana my makasagot po. Thank you.
Breast tenderness
Hi momshies 14 weeks and 6 weeks preggy na po ako, ngayon po kasi medyo kabado ako yng breast ko hindi na sya ganoon kasakit, unlike before nun 1st trimester ko. Kabado po ko kasi, nagkaroon ako ng spotting, pero nakapagcheck up na din. Tapos ang common sign of miscarriage, bukod sa bleeding ehh pagwawala ng symptoms like breast tenderness or morning sickness. Need ko advice nyo sissy. Thank you po. By monday pa po ulet kasi check up ko para di na ko masyado kabahan or ma stress.
Spotting at 9 weeks
Hi momshies, share ko lang TRANS V ko kahapon, 8weeks and 6days na ang baby ko kahapon iba sa result ng LMP ko, pero okay lang. Nagpatrans v ako kahapon kasi, nagkaroon ako ng spotting nun umaga since dipa ko nakakapag check up at wala iniinom na gamot. Sabi ni doc my nakita sya namumuo blood, na ie pa niya ako. Niresetahan nya ako ng gamot, then bedrest lang daw po talaga. Sino po dito na katulad ko din po na dinurugo in 1st trimester? sa ngayon po kasi my blood pa din pero onti onti lang naman, and wala naman po masakit sa katawan ko. Thank you po.
Folic Acid
Momshies okay lang ba kung di po makainom ng vitamins kahit isang araw, nakalimutan ko po kasi ubos na pala hindi kami nakabili kanina. Okay lang po ba iyon? Pumalya sa pag take ng vitamins?
Nahihirapan huminga
Normal po ba na mahirapan huminga? Feeling na kabado at malalim pag huminga. Pano po ba 'to mawawala? Need ko pa po ba mag pa check up or rest lang po?