Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
NSD to CS
Hello mommies. I hope mapansin to for the last time. ? Nalulungkot ako. Hindi ako makapag isip. 6.3cm Amniotic fluid ko. im 39weeks exactly base sa LMP pero sa utz march 08 pa EDD ko. Hindi na daw normal, nasa border line na sabi ng OB ko. Sabi ko sa kanya, doc ayaw ko po sana ma CS. normal po ako sa 1st ko eh. Ang mahal din po ng CS. Mostly ang kinatatakutan ko yung ooperahan ako. Pakiramdam ko hindi na magiging normal pamumuhay ko e ?. Lagi ko iisipin yung opera ko baka bumuka. Madami na ipagbabawal na gawain. Pwede naman daw ako mag induce. Force labor. Pero matagal yun. 9hrs what if matuyuan na daw lalo si baby. Biglang humina heartbeat. Emergency CS din daw ako nun. At ang risky na rin non sa baby. Na i.e nya ko kanina, pero mataas pa daw 1cm inopen nya pilit kaya eto may blood clotting ako tapos may mild contractions ako na very light parang nireregla lang. Kung nasa 4cm na daw sana ako okay na okay pa sa force labor. Nag suggest din sya na if ever na force labor ako, sa ospital na accredited sya. Para kung iemergency CS man ako andun na kame agad. Sa CS. Package nya 50k , yung isa 60k. Di na namen alam ni hubby ko ang gagawin. Any opinions nyo po mga mommies ?
NALILITO NA AKO MOMMIES ??
Nalilito na ako. Mga mommies ano na po ba sa tingin nyo lagay ko? ? Matyaga nyo po sana basahin. yung due date ko pabago bago. base sa LMP : feb 29 Cas : march 01 Bps : march 12 Tapos ngayon latest utz march 08 Feb 13 Thursday: check up ko na i.e ako closed cervix pa. Feb 14 Friday: nakaramdam ako na pag tumigas tyan ko nasakit puson ko. Inobserved ko kasi yung pakiramdam ko is para akong may UTI. Pero hindi naman ako hirap umihi or masakit yung pag ihi. Binabalakang din ako. Pero tolerable yung sakit. Nakaka kilos pa ako sa bahay. Feb 15-16 Saturday & Sunday: ganun pa din nararamdaman ko. Feb 17 Monday: Nagpunta na ako clinic ng OB ko para magpa check kung may UTI ba ko. Na i.e ako ni midwife and sabi 1cm na daw ako. Baka daw kaya nasakit puson ko at balakang nag lilabor na ako. Pero para maka sure nagpa urinalysis na ako. Madali lang naman makuha result, nakita ni midwife result meron daw ako UTI, dahil sa microscopic result ung RBC: 5-10 pero sa PUS CELLS: 0-2. Sabi nya need ko daw antibiotic. Wait lang ako advise ng OB ko muna until kinabukasan kasi out of town OB hindi pa makontak pero pauwi na daw. Feb 18 Tuesday: Balik ako ng clinic, andun na OB ko. Na i.e nya ko closed pa daw. Nagtaka ako kasi sabi nung midwife 1cm na ko e. Pero explain ni OB inside daw yung closed, 2-3cm sa outside. Outside daw ung i.e sakin ni midwife. Nagtanung ako kung need ko ba antibiotic gawa ng urine result ko. Sabi nya no need kasi in labor na daw ako. Sa malamang daw yung nakitang RBC sa urine dahil sa naglilabor na ko. May dugo naman daw kasi na hindi visible sa mata natin at nakikita lang sa microscope. This time pinag eve prim na ako. Nagtake ako as per advise 5pm,6pm,8pm pagka inom ko nyan may nagka discharged tapos may blood stain (na share ko po dito, ETO NA PO BA YUN?) Feb 19 Wednesday: 6am nag take ako uli eve prim, dun nakaramdam ako sobrang sakit ng puson ko. As in parang dysmenorrhea x2 feel. Magpapa utz pa nga dapat ako neto pero hindi natuloy dahil ang sakit talaga. Tapos pagdating ng hapon nawala yung sakit. Naka kilos na din ako ulit. Until now. Wala na yung pag tigas ng tyan ko na sasakit ung puson ko at balakang. Tapos ayun nga po natuloy na utz ko today. Medyo nabother na ako kasi yung estimated fetal weight na ng baby ko 3155g. Ang laki na nya. ?? Nakaka stress isipin mga mommies. Hindi ko na malaman. Nag leave pa man din na ako sa work dahil nga sa alam ko kabuwanan ko na rin.
ETO NA PO BA YUN?
Pinag take na ako eve prim ng OB ko kahapon. Tapos, pag ihi ko around 8pm may mga white discharge ako and then may blood stain jelly like. (Nasa picture po) Then kanina madaling araw na panaka naka sakit ng puson ko. And now nasakit na naman. Wala pa po dugo na nalabas sakin ulit after kagabi. Ang nasa mindset ko balakang ko sasakit sakin. Pero now para akong dini-dysmenorrhea. Eto na po ba yun? TIA
ULTRASOUND
Hello po. Ilang beses po kayo pinag ultrasound ng OB nyo? Im 38weeks and 3days now. Pinag uutz BPS nya po kasi ako ulit. TIA
UTI
Hello mommies ?? Meron po ba dito nakaranas na magka UTI kung kailan mag due na? Or during nanganak kayo, meron UTI? May complications po ba sa baby after? Sana po mapansin. TIA
38weeks and 3days
Mommies out there ??? Ask ko lang po kasama na ba sa sign ng labor tong nararamdaman ko? Nag pacheck up po kasi ako nung Thursday Feb 13 closed cervix pa naman daw ako. Tapos now ang hapdi ng fem ko na parang may UTI ata ako na parang magkakaron ako and najejebs ako. May panaka naka sakit ng balakang. Sana po may makapansin agad. TIA
February DD
Hello po. Kamusta po yung mga kabwanan now? anu na po mga nararamdaman nyo?
BREASTFEEDING
Hi to all momma!! ? Share naman po kayo ng breastfeeding journey nyo. Medyo confused pa po kasi ako panu po ba talaga dapat ang pagppa breastfeed at pano ko mamimaintain yung supply kapag babalik ako sa work. Questions din po: Anu po yung mga DAPAT bilhin ko na gamit for breastfeeding? Bilhin ko na po ba before ako manganak or after na lang? And ang pag papump po ba kung nasa house pa naman, needed po ba? When is the right time po? Kapag tulog ba si baby or once na kapag nararamdaman na tumutulo yung gatas? Sana po may makapansin. TIA
water leakage
34weeks na po ako. Nag ask ako sa OB ko if normal lang ba yung pag after ko umihi is may papatak pa sa underwear ko. So ang tendency pag nasa work ako basa yung undies ko. And yung white/milky discharged ko madalas nag yeyellow. Sabi nya hindi daw normal. So pinag ultrasound nya ako, BPS as soon as possible now. At pinagtitake ng pampakapit (duvadilan) 3x a day. Nababahala ako. 2nd baby ko na to. Wala naman ako ganto sa first ko.??
Storing breast milk
Hello mommies out there na nagpapa breast milk po na still working. Ask ko lang po panu nyo po ini store yung gatas? Diretso po ba sa freezer? Or okay lang na sa ref? Nabasa ko na po yung life span ng gatas kapag freeze and etc. Pero sabi po kasi ng kawork ko may need daw na ice box and parang foil etc., Napaisip po ako if bawal ba idirect lagay sa ref. Hoping for your answers mommies. Plan ko po kasi ibreast milk itong second baby ko. Thank you po in advance!!! :)