Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Yohan Ezekiel's mom
SOLID FOOD
6 months na bukas ni baby pwede na ba siya pakainin or kelangan lagpas 6months po?
EBF
Momsie share ko lang experience ko sa pagbrebreastfeed grabe sobrang hirap! Hirap na hirap ako 5months palang baby ko at gusto ko sanang ituloy hanggang mag 7 months siya huhu ang hirap po kasi nagkaroon ako ng pigsa sa may Right breast inches lang pagitan sa may nipple ko ehh doon pa naman siya sanay dumede yung left ko kasi ayaw niya siguro kasi maliit yung nipple ko sobrang sakit lalo na kapag nagagalaw niya grabe! Akala ko doon na nagtatapos yung paghihirap ko maibigay lang nararapat sa anak ko, hindi pa gumagaling pigsa ko nagka chickenpox ako ?? ang kati super, hindi ko alam paano ko pa maipapagpatuloy ito kasi ayoko mahawa anak ko, by the way ayaw niya mag bottle ehh. Trinay ko na magpump ayaw niya talaga dedehin.
Yohan Ezekiel
EDD: November 17 or 19, 2019 LMP and Ultrasound DOB: November 6, 2019 November 2 nag start ako mag squats and walking nakaka 4sets ako ng squats and 20minutes na walking then kagabihan ng November 3 nagstart na ako makaramdam ng braxton hicks pero padalas ng padalas, kaumagahan nagpacheck up ako then IE nila ako 1-2cm na. So pag uwi ko inulit ko yung exercise ko. November 5 ng gabi braxton hicks na naman pero dumalas na at mejo mas masakit na this time yung puson ko, 2am november 6 nagpadala na ako sa hospital then IE nila ako 2-3cm palang pero nagpa admit na ako. Mga tanghali mejo mas lumala yung sakit yung as in hindi ko alam kung ano magandang pwesto para ma mabawasan yung pain pero kaya pa naman hanggang sa 5pm na dumating na mama ko para siya magbantay sa akin owf kasi si hubby so tuwing susumpong yung sakit hinihilot ng mama ko yung balakang ko laking tulong nun ahh hanggang sa palala ng palala yung tipong mapapahiyaw ka talaga sa sakit napapakapit pa ako sa mama ko sa sobrang sakit mangiyak ngiyak na ako then IE nila ako 4cm palang daw sinabihan akong maglakad lakad at mag squat muna huwag muna iire. Pero hindi ko na kaya as in iire at iire na talaga ako so 15minutes later tinawag ulet ng mama ko yung nurse pero ibang nurse na syempre sinabi ko hindi ko na mapigilan umire so IE ulet 5-6cm na raw so pinasok na nila ako sa labor room. Habang nasa Labor room ako hiyaw ako ng hiyaw pinapagalitan na nila ako sa sobrang ingay ko ? pinaire na nila ako para raw mas bumuka pa yung cervix ko after 10minutes 10cm na pinutok na rin nila panubigan ko then nilipat ako sa delivery room diyos ko sa sobrang sakit ng paghilab ng tiyan ko nasa stretcher palang ako tudo ire na ako nababagalan na ako sa nurse at doctor atat na atat na akong manganak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. After how many hiyaw at sermon ni doc, 8:22 pm baby is out na finally! ? nakakahigh pala yung anesthesia para tahiin ang sugat andaldal ko bigla noong tinatahi nila ako ?masakit, nakakatuwa at worth it na pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan
On labor no water break
Currently 3cm na ako naka admit na at active labor na. May halong pampahilab yung tinurok sa akin sana makaraos na kami agad ??
37 weeks and 6 days
1-2 cm na ako sino po team November? Nagstart ako mag 10minutes squats and lakad lakad nung isang araw then IE ako kanina 1-2cm na ?? kunting push pa lapit na ??
Hiccups
Normal lang po ba madalas magkahiccups si baby sa loob? 35 weeks na po ako FTM, mula kaninang 6am hanggang ngayon na 11:15 naka 3x na siyang naghiccups. 5mins po tinatagal niya.
Johnson's baby bath
Hi mommies sino napo nakasubok nito? Maganda po ba para sa new born?