BREECH PLUS NUCHAL CORD VIA NSD
Finally nakaraos na din,napaka laking tulong talaga ng app na ito. Kwento ko lang journey namen ni baby I gave birth to her last 08.08.21 3kg From cephalic to breech plus nuchal cord (Yes mommy through out my pregnancy journey naka cephalic si baby kaso sa sobrang likot ayun umikot pala) Nalaman na lang na breech sya nung ni IE ako sa lying , Pumutok panubigan ko at 3cm na daw ako pero wala pa akong pain na nararamdaman ,yung midwife nag decide na emergency cs ako , Nag pa rapid test ako kasi requirements sa hospital kaso nag positive ako 😭,ang nangyare lipat sa mas malaking hospital yung tumatanggap ng mga positive sa rapid test, almost 2hrs na byahe pero ok pa naman ako konting hilab pero kaya ko pa ubg sakir,pag dating sa hospital pilahan kasi konti lang operating room nila sa mga nag positive ,kinausap kame kung willing maghintay ,no choice kame kasi un lang ang hospital na tinanggap kame , Habang naghihintay kame hilab na ng hilab tyan ko 5cm na pala pero kaya ko pa din after 2hrs na pag hihintay dun ko naramdaman parang lalabas na sya ni IE ako ni doc at pag alis nya ng kamay nya ung paa ni baby lumawit na kaya diresto delivery room na kame ,no choice kundi paanakin ako ng normal ,na stuck ulo ni baby hirap na hirap talaga kame ilabas sya tapos pag labas nya di po sya umiyak ng 2mins kaya ako naman umiiyak at nagdadasal lalo ako naiyak nung narinig ko na sya umiyak. Thank you lord nakaraos kame at ligtas pareho Mga momsh goodluck sa panganganak naway makaraos tayo ng ligtas lahat #pregnancy #ftm #pcosbaby #breech #covid
Đọc thêm