Positive sa PT but no baby sa ultrasound
#adviceplease LMP ko po ay November then December di na po ako niregla. After 5 days delayed nag positive po agad sa PT. Pina-transv ko po agad pero too early to detect pa daw kaya inulit ko ulit after 2 weeks pero Wala pa rin talaga makita. Nag-spotting ako (very light lang naman po)...observe ko pa rin po at nag-take uli ako ng pt at puro positive pa rin po ang results. Then nagpa-transv uli ako kanina pero Wala naman daw po baby sa loob, tinanong ko po kung may problema po ako sa matris Sabi po Wala naman daw po at hindi pa naman daw ako rereglahin base po sa nakita sa ultrasound, Wala rin daw sign na magmemenopause na ko at my age na 41 dahil maayos pa daw ovary ko. Sobrang worried ako kung buntis ba talaga ako o hindi (still hoping na buntis talaga ko)
Đọc thêm