Jane Ocampo profile icon
VàngVàng

Jane Ocampo, Philippines

Contributor

Giới thiệu Jane Ocampo

Mama of 3 fun loving boy

Bài đăng(9)
Trả lời(1)
Bài viết(0)
 profile icon
Viết phản hồi

Almost 6 months - 3 weeks depressed and anxiety attack

Badly need advice and sana po habaan nyo pasensya nyo sa pagbasa ng story ko: 3 weeks na po akong depressed. Umiiyak halos everyday kung san abutan. Going 6 months pregnant at hindi ko matulungan sarili ko kahit anong advice sakin ng mga kaibigan ko. Meron na po akong 2 anak and now buntis pero sa ibang tatay married pero 8 years ng hiwalay at meron na syang partner at magkakababy nadin sila. Single mom ako sa 2 anak ko then yung tatay ng pinagbubuntis ko akala ko sya na yung binigay ni Lord. Ngayon po nagkaproblema kami. This feb. umuwe sya sa province dahil yung Papa nya naconfine till 3 days namatay. At first hindi ako nangulit kasi alam ko masakit para sakanya to. Gang sa nailibing alam ko nag grigrieve sya. Nag adjust po ako. Hanggang sa makalipas ang 2 weeks na ramdam ko na wawalan sya ng gana sakin at hindi nagparamdam ng 2 days gang sa tawag ako ng tawag at nagmakaawa na sagutin ang tawag ko. Tinanong ko sya anong nangyare. Ayaw na daw sya pauwiin dito sa Manila at hindi daw talaga ako matanggap ng Mama at kapatid nya. Suportahan na lang daw ang bata. Sobrang sakit po marinig sakin yun dahil umalis naman sya ng okay kami. Para kumalma ako sabi nya babalik sya ng March aalagaan nya kami ni baby. High risk po ang pregancy ko buong 1st trimester dinugo ako hanggang sa nung Jan. 2 may blood clot na akala namin ayun na ending ng pregnancy ko dahil hindi biro yung lumabas na blood. 4 days akong naconfine. Kaya hindi sya nakauwe ng January dahil sa sitwasyon ko at sa pinagchachat ng kuya nya na mag isip isip daw sya. Wag daw sya kumabit at sayang pinag aralan nya. Nababagay sya sa mga single ang nagsesend ng picture ng babae pwede naman daw ako iwan at yung bata na lang suportahan sa sobrang pag alala ko hindi sya nakauwe dahil nakiusap ako if pwede sa panganganak ko na lang. Wala din kasi akong kasama sa buhay walang parents at kapatid. Hanggang sa nangyare na yung February na parang naguguilty ako sa naging desisyon ko na hindi sya pinayagan magcelebrate ng Christmas kasama family nya at January umuwe sana sya di sana nakasama nya pa Papa nya bago namatay. Sinabi nya din po sakin yun na sana umuwe daw sya na ramdam ko yung guilt. Ngayon po ramdam ko yung coldness nya sakin. Nagbitiw din sya bigla ng salita na hindi na daw nya ako mahal last year April pa daw pero dahil sa awa nagstay sya gang sa August nagcheat sya at nakikipag hiwalay na ako pero sabi nya ayusin namin at hindi nya sasayangin 2nd chance nya. Until November last year na gusto na nya umuwe sa province nila dahil sa various problems na hinarap namin at gusto nyang tumakas gang sa nabuntis ako pero kesyo naawa na daw sya sakin kasi wala ako kasama sa buhay. Until this week na na nakapag bitiw sya ng salita na hindi nya ako mahal at kinabukasan binawe nya dahil lang daw sa inis sakin. Pero tumataktak na po sa isip ko lahat ng sinabi nya at yung coldness na treatment nya sakin sa messages na ramdam ko na nakikisama na lang sya para hindi ako mastress, pero hindi nya alam kung anong bigat dinadala mo ngayon na halos hindi makatulog at makakain at nagmamakaawa kay Lord na tanggalin ang pain na meron ako. Hindi ko alam if babalikan pa nya kami ng anak nya at dahil kung ano ano pumapasok sa isip ko pati pag tarot reading pinapasok ko na. Meron na sinasabi babalik pa, may iba sinasabi na may na daw sya ngayon? May iba walang iba pero magulo isip nya pero mas kinakain ako ng negative. Ramdam ko na hindi na nya ako mahal at awa na lang. hindi ko na po ngayon sinasabi sakanya napag dadaanan ko kasi baka lalo ko syang mapush away. Hindi ako makatulog at gigising sa madaling iiyak ng sobra at sobrang bigat ng dibdib ko. Para na akong mababaliw talaga. Hindi ko na alam san ako hahanap ng tulong. Valid po ba tong nararamdaman ko? Naawa na ako sa baby ko kasi sya nagsusuffer pero hindi ko mapigilan nararamdaman ko.

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi