Spotting - 12weeks

Hello mga mommies. Question lang po since nagbuntis po kasi ilang beses ako nagspotting. Nung hindi ko pa alam na pregnant ako nagspotting ako kaya akala ko magkakaperiod na ako then nung nalaman ko na buntis ako sa 12 weeks ko 4x ako nag spotting pero nawawala din, tho everytime papacheck up ako okay naman si baby at pinacheck ko na lahat mataas po placenta ko, closed ang cervix and mahaba din length ng cervix ko. Inshort po maganda lagay ni baby. Pang 3rd baby ko na po ito sa dalawa ko never po ako nagspotting at hindi po talaga ako maselan. Normal po ba ito? Meron din po ako laging pampakapit. Pinkish lang po yung spotting ko at everytime wiwi lang ako pag pupunasan ko dun may konting spotting. May naka experience na po ba nito? Nag aalala lang po talaga ako. #Spotting1sttrimester

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sa pagkakaalam ko base on my experience, pag may pampakapit na mawawala na dapat yung spotting kinabukasan, kung meron pa sayo pacheck up ka nalang ulit para sure.. at 3x a day in 2 weeks yung binigay sakin ng ob ko na pampakapit.. di na talaga ko nagka spotting after non..

11mo trước

May heragest and duphaston na po ako so far po ngayon nawala na and praying na magtuloy tuloy. Thank you po sa advice.

naransan ko po yan Nung nagbuntis ako sa 3rd baby ko, laging buo buo pa pero ultrasound at IE laging okay baby ko and close cervix ko. findings sa UTI daw sguro Sabi ng doctor Kaya ako may spotting from my 2 month ngbuntis Hanggang 3rd trimester

11mo trước

Kamusta naman po mommy naging result? May lumabas po sakin buo yesterday kaya pina admit na po ako ng OB ko sa hospital. Until now andito pa po ako para monitor si baby. Okay naman po si baby sa ultrasound, IE closed naman po cervix ko. Ngayon po may spotting everytime wipe ko ihi ko. Pinapacalm ko po sarili ko para hindi po ako masyado mastress.

same experience Dito ma'am , pero usually nangyayari po kasi Yan after intercourse namin dalawa

11mo trước

practice niyo po mag condom every intercourse, and tell him to make sure na malinis Siya... tell him to be gentle or else mas lalong mahihinto po Yung making love and to prevent infection din po

Not normal po