Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
WFH, mom of 2 boys and 2 girls
Is my baby's development delayed?
Mga inay, I'm just worried pero hopeful padin at the same time. ang baby ko po kasi mag 7 months na sya this coming June 8, masama magkumpara sa ibang anak pero naikukumpara ko yung development nya based sa mga nababasa ko at sa mga ibang batang nakikita ko. Pure breastfeeding ako since nanganak. All is normal naman, tumatawa, lumilingon pag tinatawag, umiiyak pag nagugutom hanggang sa netong nag 6 months sya nag eexpect ako na makakakain na sya madalas ng solid food pero kahit anong ipakain ko ayaw nya ibuka bibig nya as in lahat ng puree na ginawa ko ayaw nya, mapa-squash, carrots, potato, banana, avocado, sweet potato tapos nagtry nadin ako ng cerelac. ayaw talaga ibuka bibig hanggang sa kinailangan ko na ilagay sa dropper, nakakain naman nya pero sapilitan, picky eater kaya pag ganun? pero dumedede po sya sakin at umiinom ng water. Medyo payat sya tingnan sa edad nya.. Then yung ibang batang nakikita ko nakakaupo na sa ganitong age going 7 months, pero yung baby ko diko alam pero pag iuupo ko sya natutumba sya. Minsan nabibiro pa ng mga lola na para daw sanggol na sanggol pa baby ko para sa edad nya. parang sobrang baby daw? pero pag itatayo ko sya tuwid naman paa nya kahit kamay lang nya hawak ko. pag nakadapa sya naiaangat nya yung ulo nya at naaabot nya yung mga toys na nasa paligid nya. Yun lang talagang pag upo, kahit may nursing pillow tumutumba sya.. Dapat napo ba ko mag worry actually nag woworry ako ng konti kasi hindi ganito yung 3 kapatid nya na sinundan nya. pero still hopeful na sana one of these days ay mag improve yung development nya or masyado lang po ako nag eexpect at nag cocompare?? NOTE: 5 months na chan ko nung nalaman ko po na buntis ako sa baby ko na to, kasi nag iinjectable po ako at hindi namin agad nalaman kasi wala talaga mens pag nag iinject ako then nung nag PT ako negative po. gang sa talagang lumaki nalang chan ko dun ko nalang nalaman, Plus, nagbabadminton pa ko at nagbabike nung mga 3-4 months chan ko na diko alam. may effect kaya lahat yun sa development nya ngayon? any moms out there na naexperience po ito. Thank you
Normal delivery then ligate
Mga mommies sino po dito nanganak ng normal and then nagpaligate na? during this pandemic po? Paano at saan po? Gusto ko na po kasi magpaligate 4kids at the age of 29. Kaso sabi sa lying in, wala daw schedule ngayon. Baka makakuha ng advice po. #Ligate #ligatemoms
Nag iinjectable pero nabuntis
Hello mga mamsh nag iinjectable ako since 2018, every 3 months ako nagpapa inject. So we are not expecting talaga. Not until last month, July. Habang nakahiga ako, bakit kako parang may natibok sa puson ko. Nagduda ako. So nag PT lola nyo. Positive agad. Sobrang gulat kami mag asawa. Kasi nag PT nadin ako nung MAY since nagsusuka nako nun, negative po ang lumabas. Kaya akala ko may iba kong illness. Sige lang ako sa pagbabike at badminton kasi plus size po ako, macoconfuse ka talaga kung taba lang o buntis na pala.. Then found out nung July na 5months pregnant na pala ako. Naiyak ako actually kasi kaka 2 years old lang ng baby ko nung MAY tapos pang apat na pregnancy ko na to. Nag birth control naman ako pero binigay pa din talaga. Nagkaroon ng paninisi sa midwife, sa injection or sa sarili ko mismo kung sino ba may fault. Pero sabi nga nila nandyan na yan so tanggapin nalang kasi blessing yan.. Nakakapangsisi lang din na hindi ko nalaman agad hindi ko tuloy naalagaan sarili ko. Kaya last month lang ako nag start mag vitamins. Anyone here na same situation ko? nagkakaroon tuloy ng inaccuracy sa due date ko kasi diko alam ang LMP ko. Tuwing may injection ako hindi po talaga ako nagmemens mga mamsh. December pa LMP ko pero sa ultrasound ang baby ko 5months palang.. Good thing is I'm expecting a baby boy, bale may 2 girls nako and 1 boy.. may playmate na si Kuya hehehe.