Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First time mom
Feeding bottle
Hi mga mhie , suggest naman kayo ng feeding bottle for my baby. Breastfeeding kasi baby ko at gusto ko e mix feeding pero hirap na hirap tlga akong padedehin siya. Naka tatlong bottle na kami pero umiiyak tlga siya pag pinapadede ko sa bottle😫.
Basa ang tae ni baby
Mga momshie normal ba na basa ang tae ni baby.? Pero hindi naman po siya sobrang matubig talga ftm lang po kasi ako
Mahina ang katawan
Simula nuong na cs ako masakit na ang talampakan ko lalo na pag bagong gising pati din ang tuhod ko at daliri. Sino naka experience ng ganyan pa share nmn kung anong ginawa nyo para gumaling kayo
Masakit ang bandang pusod. First time CS
Tanong lng po normal ba masakit sa may bandang pusod ko pag pinisil lalo na pag naka tayo ako pero pag naka upo di nmn po masakit pag pisilin. 1 month cs na po ako.Nag woworied kasi ako dahil matagal ng masakit tapos lagi pang pagod ang katawan ko kahit wala akong ginagawa
C-section
Tanong ko lang kung pwde na ba umakyat sa hagdan 11 days na lang ako na cs mga momshi di po ba nakakasama yun?
Malapit na ba ako manganak pag ganito??
May discharge na ako na ganitong kulay pero hindi naman masakit ang balakang ko minsan sumasakit ang tiyan kasabay ng puson pero saglit saka mawawala lang din. Pa help naman po
Kaya ba mag Normal delivery ang breech baby??
Sino dito nanganak na complete breech ang position ng baby?? Kaya ba ma e normal takot kasi ako mag pa cs🥲
Hirap makatulog ang buntis
Mga mommies tips naman po paano makatulog ng maaga. Hirap na hirap po kasi ako makatulog lagi nalang akong puyat #30weekspregnancy
Di na gaano magalaw si baby
Hello everyone. Nag aalala lang talga ako normal ba na di na gaano magalaw si baby sa tummy ko? Di gaya nuong mga nakaraang araw na sobrang magalaw siya ngayon parang diko na ramdam☹️. first time mom ako kaya wala pa tlga ako masyadong alam i hope may maka sagot. 24 weeks na pala tummy ko