Bạc
gelynne medina, Philippines
Contributor
Điểm nổi bật
2
Người theo dõi
0
Theo dõi
Giới thiệu gelynne medina
Mama bear of 2 energetic little heart throb
Thành viên VIP
Pagdumi ng isang eksklusibong breastfeeding na baby (at hindi breastfeeding na baby)
*Newborn babies kailangan po regular ang kanilang poop til 5-6 weeks old normal na ang irregular bowel movement*
Kung ang eksklusibong breastfeeding na baby na 6 linggo ang edad, okay lang na hindi na araw araw ang pagdumi nito (kapag sinabi nga pala na eksklusibong breastfeeding na baby, ito ay dapat hindi nainom ng tubig, formula, vitamins at kumakain ng solids maski tikim lang po). Basta si baby ay masigla, hindi matigas ang tiyan at hindi rin iyak ng iyak. Ang mga baby na mixfeeding pero nasa proseso na sa pagbabalik eksklusibong breastfeeding magreresulta po ito sa pag-skip, laktaw ng pagdudumi ngunit dapat sa mga susunod na mga araw ay magiging normal rin ito. Maaring tumuloy ito sa kung paano ang EBF na baby ay naglalaktaw ng araw sa pagdumi o "nagcoconstipate" (magdedepende ito sa iba't ibang factors gaya ng dami ng napainom na formula bago ang pagbabalik pagpapasuso kay baby, gaano kadalas dumede si baby etc). Kaya kailangan ang transition, pagbabalik pagpapadede (EBF) ay maisagawa ng maayos dahil ito ay delikado sa sanggol nakakadulot ito ng dehydration. Importante na mabantayan ang output ng sanggol (Sa punto ng 6 weeks po dapat marami ang ihi ng sanggol sa 1 araw. Maraming gatas na naiinom sa pagpapadede, maraming ihi po dapat. Kapag walang/kaunti ang ihi, walang gatas o kakaunti ang gatas na nadedede ni baby sa nanay).
Kailan ba HINDI NORMAL, HINDI OK ang di pagdudumi ni baby?
-Kapag bagong panganak, newborn o below 6 weeks ang edad. (Kapag 5 weeks si baby at nag-skip na sa pagdumi basta hindi siya irritable, naiyak NORMAL pa rin po ito).
-Mixfeeding (umiinom pareho si baby ng formula at gatas ng ina) o formula milk.
-Si baby ay nagsosolids na (6 months pataas).
Anong gagawin kapag ito ay nangyari?
-Suriin ang latch, pagdede ni baby. Sa mga bagong panganak na sanggol mag-Unang Yakap ang mag-ina. Wag orasan ang pagpapadede kay baby.
-Skin to skin dapat si baby at mommy para makapag unlilatch.
-Kung mixfeeding si baby.. mas mainam na mapabalik sa pagpapasuso si baby ng eksklusibo po.
-Regular massage kay baby sa kanyang tiyan. Huwag gumamit ng manzanilla, pwede po ang VCO o baby oil.
-Pagaralan ang diet, kinakain ni mommy sapagkat ang dairy ay maaring maging allergy at ito ay minsan nagsisintomas ng constipation, di pagdudumi.
-Si baby kapag 6 months mahigit na ang edad at constipated siya pakainin ng gulay at prutas. Fibrous na pagkain para siya ay dumumi.
-Lumapit sa breastfeeding advocate na doktor kung walang pagbabago at hindi pa rin nakakadumi si baby o si baby ay matamlay, nanghihina o hindi lumalaki si baby ayon sa kanyang edad.
Ang pag gamit ng SUPPOSITORY ay hindi sagot sa di pagdumi ni baby. Kailangan malaman bakit hindi siya nadumi at huwag pwersahin ito sa paglagay sa kanyang pwet. Baka masaktan siya at masanay sa pag gamit ng suppository.
Paano naman kung GRUNTING OR NA-IRE si baby?
Ang mga sanggol ay ipinanganak na immature pa ang digestive system. Normal lang at makakalakihan nila ang pag-ire. Ang pagkaroon ng pressure sa tiyan ay nakakaapekto sa kanilang diaphragm kaya nakakagawa ng tunog sa lalamunan kaya may pag-ire or grunt habang pinag aaralan nila ang pagdumi, hindi alam ng isang newborn ang tungkol rito pinagaaralan nila ito paglabas ng ating sinapupunan. Hindi naman palaging iire ang sanggol na exclusively breastfeeding ngunit kung may mapansin ng sintomas ng sakit kailangan nito ng medical attention, dalhin na sa doctor.
Paano pag natunog ang tyan ni baby?
Basahin ang post na ito https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/permalink/3239700832793048/
Maging maingat po tayo sa pagbibigay ng payo patungkol sa bowel movement ng mga sanggol. Alamin ang edad at ang buong detalye (kalagayan ng kalusugant atbp) lalo na sa mga sanggol seryosong concern po ito.
For additional readings, you can check our admin notes album and these sites:
http://kellymom.com/health/baby-health/food-sensitivity/
http://kellymom.com/ages/newborn/when-will-my-milk-come-in/
(Ito po ay Tagalog translation ng post na ito https://www.facebook.com/groups/376965185733308?view=permalink&id=1061957707234049)
Output chart ng breastfeeding na sanggol
https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/permalink/2575335869229551/
Mga itsura ng wiwi at dumi ng breastfeeding baby
https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/permalink/509019889194503/
Đọc thêmViết phản hồi
Viết phản hồi