Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Soon to be mama of 3
malapit na ang cs
Hi there moms. yung situation ko po kasi bali ganito. 36 weeks na po tyan ko at ang tigas tigas nya talaga lagi. nagtetake po ako ng pampa kalma ng tyan 3x a day pero ang tigas pa rin talaga ng tyan ko. ang sabi ni ob pag nagpatuloy parin yung pagtigas at balik ko bukas sa ob ay iaadmit na ko this sunday. btw previous cs po ako pang 3rd cs na po ito at yung last baby na nasundan ay 1 year and 10mos. palang po. ok lang po kaya yon? yung size naman po ni baby ay 2 weeks ahead. yung 1st ultrasound ko po edd ay oct.3 . yung last bps ultrasound ko po ay sept.25.. naka support na rin po kay baby ng cortisteroid 3 weeks na po akong umiinom. ok lang kaya kung sakaling ma aadmit na ako this sunday? maraming salamat po sa sasagot
Paninigas ng tyan
meron po dito sa inyo na puro paninigas lang ng tyan ang naranasan at hindi paghilab hanggang sa manganak? tnx po sa sasagot
Hirap makatulog
im on my 36th week at suntok sa buwan yung makatulog ako ng maayos. any tips po para makatulog ako sa gabi? ganun din sa hapon tinatry ko matulog ayaw din. huhu nahihilo na ko ang baba na siguro ng bp ko
LYGATION
im in my 3rd pregnancy and from 1st till last e cesarean po ako. tama po ba desisyon ko na magpa lygate na?( isasabay sa cs) im 25 y/o and quota naman na po ako sa mga anak ko. kumbaga magpapalaki nalang ako ng mga bata. pero may time lang na sumasagi sa isip ko kung tama na ba ang desisyon namin ng asawa ko. kayo po ano pong say nyo?
pls answer po
may naka ranas po ba sa inyo na hindi nyo alam kung anong petsa kayo nagbuntis? yung due date ko po kasi binase sa size nung baby sa tummy ko. pero i remember last november 2018 pa huling mens ko. pero after non nag pills naman ako kaya di ko alam kung kelan nabuo. kung susundin po yung sa bilang ng last mens eh aug. and due ko. pero yung sa ultrasound september pa po.