Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
Pagsusuka During 3rd Trimester
May mga mommies pa din po ba dito na nagsusuka pa sa 3rd trimester? 30 weeks pregnant na ako pero lage pa din ako nagsusuka. Lalo na pag umiinom ako ng mga prenatal vits. Nakailang palit na ako ganun pa din :( #3rdtrimester
Umaalog ang tiyan
Hi mga ka mommies, tanong ko lang po kung may negative effect kay baby pag naalog tiyan ko dahil sa biyahe. Pumapasok pa din kasi ako sa work at onsite kami. Kaso daming dinadaanan na road humps. Matataas kasi kaya kahit na dahan dahan ang driver ramdam ko naalog pa din tiyan ko. Btw, I am 26 weeks pregnant. Napansin ko kasi pagdating ko ng bahay naninigas tiyan ko tas nahihilo ako. Thank you.
Hirap sa Pagtulog
Ano po mga ginagawa nyo para po makatulog ng maayos? Hirap ako maghanap ng pwesto paano maging kumportable. Naglalagay na ako ng unan sa bawat gilid ko, kaso di talaga ako kumportable. Minsan nagigising nalang ako na nangangalay kamay ko at balikat kasi nakakatulugan ko pala habang naka unan sa mga kamay ko. 24 weeks pregnant here. Sumasakit at nangangalay tagiliran ko lage tas lagi pa ako pinupulikat. Sa mga nakaranas neto, ano po mga ginawa nyo po? Thank you.