jaundice

Mga mommies ang baby ko po 1 month and 1week na mejo madilaw pa po sya pati gilid ng mata...may improvement naman sya kase nung bago anak plng sya madilaw talga lalo mata nya buong mata ma yellow, ngaun gilid nlng. Npacheck up na po namen si baby at mataas yung indirect bilirubin nya yung sa dugo daw po nya is madaling nasisira yung red blood cells nya madame daw factors, pwede daw sepsis or may antibodies si baby. Kukuhanan pa nga sya ulit dugo kase may test pa gagawin. Araw araw naman sya napapaarawan. Ganito po kase si baby mag 1 month na hndi dumudumi. Nung pina check up namen sabe lagyan lang daw ng glycerin ang pwet pra matae. Tinanong ko ang pedia kung hanggang kailan paano pag hndi padin sya natae ng kusa nya. Sabe dalhin daw ulit sa kanya ipapa evacuate na sya...may alam po ba sa inyo paano yun?. Isa pa po feeling ko kase si baby kaya mabagal yung pagkawala ng yellow nya sa skin at mata kase hndi sya matae. May nabasa kase ako na ang pure brestfed na baby dapat tumatae araw araw lalo 1month plng sya at para mailabas nya yung nag papadilaw sa kanya yung tinatawag na bilirubin. Pag hndi daw kase nakakatae si baby ibig sabhn konti lang gatas na naiinom nya..yung breastmilk alone lang daw kase laxative na daw yun. So pag hndi natae si baby yung bilirubin nirereabsorb lang sa katawan at paikot ikot lng da dugo kaya madilaw padin. Si baby naman po hndi yellow na yellow.mapapansin mo lng na may yellow pa sya at sa mata naman nya onti onti na nag lilight. Pure brestfed din, hndi naman sya umiiyak malakas dumede hndi nilalagnat hndi din matigas ang tyan. Pala ire lang talga sya tapos uutot.. Ano po ba dpat gawin para matae na sya naka 2 pedia na kase kame yun iisa lang sinasabe. Tapos mild jaundice pa sya gusto ko lng tignan sana kung makatae na sya regular eh baka mawala na pagka yellow nya, pag ganun kase hndi ko na sya ibbalik sa doctor kukuhanan kase sya dugo nakakaiyak pag makita mo si baby tutusukan ng karayom. Ano po insight nyo mga mommies

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Momsh 1 month na di nagpoops? or baka mali lang ako ng basa.. Anyway, baby ko din dati nanilaw nung newborn sya kasi di napapaarawan.. Nanilaw mata nya tapos pag press ng skin nya makikita mong yellowish sya.. Inobserve sya ng pedia then nung 1 week na sya niresetahan sya ng gamot.. Powdered na hinahalo sa formula milk. 14 days sya uminom nun at kahit di pa 14 days di na sya madilaw. Happy ako nun kasi di na nya kailangan magpaphototherapy. Nangyari din sa baby ko na nahirapan sya magpoops at may isang beses pa nga na medyo buo yung poops nya..syempre ako alalang alala, trinay namin ng mother ko yung suppository, isang sundot lang nagpoops kagad ng madami pero never ko na inulit isuppository kasi nabasa ko na pwedeng maging dependent ang baby sa suppository kung laging gagamitin, dapat kusa syang magpoops na di na kelangan ng ganun.. So nagsearch ako kung paano maiiwasan ang constipation sa baby, nalaman ko yung iloveyou massage na effective for constipation at kabag.. Trinay ko sa baby ko nung di pa regular ang poops nya, sa awa ng Diyos everytime na ginagawa ko yung iloveyou massage eh maya maya nakakapoops na sya.. then afterwards naman naging normal na poops nya..

Đọc thêm
6y trước

ursodeoxycholic acid momsh try mo banggitin sa pedia baka alam din nila yan kelangan kasi ng reseta bago mabili

Pasensya n momsh pero mas ok Kung ibabalik mo siya sa pedia at maobserve ng maayos, naiintindhan nmin n mhirap tlga pag tinutusukan si bebe kaso mas mahirap pag may ngyari.. Hindi din kc laging accurate Ang internet kc case to case po un Hindi lahat NG pasyente pare pareho.. tiis lng kahit nakaka awa Kung un Ang kailngn.. Sa Amin Ang evacuation sa pedia pinapasukan ng sonda/catheter sa pwet (maliit lng n catheter un momsh) tpos mag lalagay Dr. Tubig ipapasok Niya un Kay bebe then hahatakin Niya din plabas ung tubig n pinasok Niya, usually my kasama n poops. Dpende p din sa Dr. Mo Yun, iba IBA din kc sila technique.. ung iba sinusundot ang pwet at iniistimulate tumae.. hopefully matae n baby mo and mabawasan n paninilaw..

Đọc thêm

Not normal na yung 1month na hindi maka poop si baby. If 1-2days pa nga na hindi napu-poop under observation na yun e, hindi na kayo pauuwiin ng pedia. Iblood test na siya. You know mommy, for me, ok lang na makita mo yung anak mo na mtusukan kesa patatagalin at baka po mas lalong lalala. (Tibayan ang Loob para kay baby 💪) Kaya kung ano sabi ng Pedia na gawin sa kanya ipagawa po. And one thing, wag minsan nagpapaniwala sa mga nababasa. Mas maganda yung galing mismo sa pedia ng baby mo. Hope it helps.

Đọc thêm

Hi, po mommy. Yung alam nyo po ba Yung bilirubin count nya? Kasi pag 20 pataas na need na siya ng bili light. Same with my daugther before. And i think hindi na talaga normal if 1 month na cya hindi ngpopo. Newborns, especially pure breastfeed kailangan nila nagpoop every intake nla ng milk yun sabi ng pedia ng baby ko. Lalo na pagmay jaundice they need to release the bilirubin through defecating and urinating. Maybe consult to another pedia nalang po just for your baby's safety.

Đọc thêm

Mommy mas okay po na maibalik si baby sa pedia at maobserbahan kesa naman po mahirapan sya lalo na 1month and 1week palang po sya hindi nya masasabi kung ano ang masakit sa kanya. Sandali lang po yung sakit na mararamdaman nya kapag kinuhanan ulit sya ng dugo compared sa longterm na mararamdaman nyang sakit. Red flag din po yang 1month hindi nagpoop lalo EBF si baby, usually po kasi as per pedia every milk intake ni baby magpopoop sya.

Đọc thêm

Sis same tau si baby ko naman pag nag press nga may yellow pa sya ilang beses nakinukuhaan sya ng dugo.. At tuesday e ultroasund nya 1 month and 16 days na si baby ko pero may yello pdin sya pero light nalng .. Di din sya madalas mag poops kagaya ngayon 4 dyas na pero mixfeed na try mo pa check up tiisin mo ung awa mo sis mas ok pdin malaman mo maaga ...

Đọc thêm

Gnyan po tlga ang mga doctor. Dti po gnyan ang baby ko d po nwwla ang paninilaw tapos sbi nla ccheck dw ung bilirubin ako nman po katakutan pnacheck ko. Kwawa nga po eh kc laki ng itinurok.. Tapos po after ng result sbi nla ok nman dw po. Nsktan lng baby ko. Kulang lng po tlga sa paaraw yng c baby nyo.

Đọc thêm

Ipatest mo dugo agapan mo na baka sepsis yan ganyan yung baby ko madilaw at nilalagnat..delikado pag sepsis di naagapan pwede umakyat sa utak na pwede ikamatay..para magamot na dalin mo na kagad at ipasuri ang dugo baka may mababa sa dugo kawawa naman si baby mo.

Sis Ipacheckup mo na kung baket di madumi si baby baka may deperensya sya kaya ganon tiisin mo na lang kesa sa di sya gumaling mabuti nang mapatignan at malaman mo sakit ni baby kesa sa nahihirapan si baby kawawa lang nagtitiis sa sakit.

hi mommy, madilaw din po baby ko nung ng 2days old po sya kaya naconfine po sya kaya daw po minsan madilaw sign din daw po yun na my infection sa dugo si baby or sepsis po kaya naconfine baby ng intibiotic po sya for 1week.