Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Nyriel Kim ? Nyrinn Zeia
Turning 1 y/o na si lo sa April 6, pwede na ba sya mag switch to bonakid?
Hello mommies, sa April 6 kasi mag 1 year old na baby ko. Yung milk nya ngayon bonamil pero paubos na yung stocks namin. Question ko po is pwede na ba sya magswitch to Bonakid sa March 30 kahit sa April 6 pa sga mag 1?
11 months old baby girl development
Hello mommies, kaka 11 months palang ni lo last March 6. Ano pong mga activities o ways yung pwede naming gawin para matutunan nyang mag clap hands, tumayo mag-isa at humakbang/lumakad? Hindi pa sya marunong mag clap hands, hirap din kunin yung atensyon nya madali syang madistract. Titingin naman sya kapag tinatawag sya sa name nya pero pag kakausapin ko na sya, sa iba na ulit atensyon nya. Tuwing naglalaro kami binabato nya lang o pinanghahampas yung toys. Kapag sinusubukan ko syang turuan mag clap, o magsabi ng "mama" tatawanan ny lang ako hindi sya nagmimimic (gumagaya). Lagi din syang nanggigigil, panay sabunot at kagat samin (2 palang teeth nya). Ayaw nya tumayo, gusto lang pag nasa playpen o may humahawak. Mas gusto nyang umupo at magcrawl. Nakatingkayad yung mga paa nya pag pinapalakad ko. Normal lang po ba yan mommies? Nagwoworry kasi ako mag 1 year old na sya sa April 6. First time mom po ako kaya hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin puro search lang ako.
Baby Rashes
Hello mommies ano po kaya itong rashes ng baby ko? 7 months old po hindi ko pa kasi mapacheck up ngayon kailangan pang magpa schedule muna.
Mommies ano bang dapat kong sabihin kay MIL para hindi na nya pakainin ang anak ko
Nagstart na pong kumain baby ko nung September 23 kasi sabi ng pedia nya pwede na daw. Ang advice sakin isang prutas or gulay lang every 3 days kaya yun ang sinusunod ko. Nasa picture po yung list ng first food nya. Kaso yung mother in law ko pinakain nya si baby ng orange nung Sept 24. Sinabihan ko sya bawal pa as per pedia pero sabi nya pwede naman daw 🤦 Then kinabukasan pinakain nya naman ng saging. Sabi ko hindi pa pwede pero pinagpipilitan nya pwede na daw kaya hindi ko na muna pinapahawak sa kanya baka kung ano na naman ipakain nya. Nagalit sya sakin pinagdadamot ko daw baby ko. Kahit anong paliwanag ko na pedia ang nag advice, sya pa yung nagagalit mas marunong pa daw ako eh lima na daw anak nya hindi naman daw marunong yung pedia. Gusto nya pa bilhan ko daw ng yogurt jusko 5 months old palang baby ko ano ba dapat kong sabihin sa kanya na pakikinggan nya. Hindi pa po kami nakakabukod sa January pa kami bubukod kaya kailangan ko pang makisama at iwasan na makaaway sya.