Mommies ano bang dapat kong sabihin kay MIL para hindi na nya pakainin ang anak ko
Nagstart na pong kumain baby ko nung September 23 kasi sabi ng pedia nya pwede na daw. Ang advice sakin isang prutas or gulay lang every 3 days kaya yun ang sinusunod ko. Nasa picture po yung list ng first food nya. Kaso yung mother in law ko pinakain nya si baby ng orange nung Sept 24. Sinabihan ko sya bawal pa as per pedia pero sabi nya pwede naman daw 🤦 Then kinabukasan pinakain nya naman ng saging. Sabi ko hindi pa pwede pero pinagpipilitan nya pwede na daw kaya hindi ko na muna pinapahawak sa kanya baka kung ano na naman ipakain nya. Nagalit sya sakin pinagdadamot ko daw baby ko. Kahit anong paliwanag ko na pedia ang nag advice, sya pa yung nagagalit mas marunong pa daw ako eh lima na daw anak nya hindi naman daw marunong yung pedia. Gusto nya pa bilhan ko daw ng yogurt jusko 5 months old palang baby ko ano ba dapat kong sabihin sa kanya na pakikinggan nya. Hindi pa po kami nakakabukod sa January pa kami bubukod kaya kailangan ko pang makisama at iwasan na makaaway sya.