Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
God is good?
Nakaraos na din♥️
Meet our Maria Hope Avery Caseñas. Thank you Lord, nakaraos na. Hindi po ako pinahirapan ni baby!🥺🥰 Mga bandang 7:30 nakaramdam po ako ng sakit ng tiyan parang napu-pupu. Pagtayo, bigla nalang ako nakaramdam ng tubig na umaagos sakin. I quickly alarmed my family at dinala agad nila ako sa hospital. Upon arrival, sabi ng OB sakin baka daw nawiwi lang ako pero i-IE nya daw ako just to be sure. And ayun, 4cm na daw po. 8:30 nag active labor na ako after mag primprose then 9:33 lumabas na agad si baby. It won't be possible without God's help!♥️ Ang laking tulong din nung mga workout videos na nahanap ko online! EDD: July 2, 2021 DOB: June 21, 2021 3kgs Goodluck sa mga team June & July! And sa lahat ng preggy mommies diyan😌✨
LMP vs Trans V
Hello, 39weeks na daw po ako if babasehan ung LMP ko and 36 weeks naman kapag trans V. Just wondering, kapag nanganak po ako this week, is my baby considered premature? #1stimemom
Too big 34 weeks tummy?
Too big na po ba for 34 weeks and 2 days? And mababa na po ba kahit papano? Thank you sa sasagot.😌#firstbaby #1stimemom
Low blood
Ano po kayang dapat gawin? 90/60 padin ung dugo ko tapos ang baba ng hemoglobin ko. Dalawang ferrous sulfate na po iniinom ko for 6 months pero walang improvement.😭
Dalawang ferrous + Vitamin C
Pwede ko po bang pagsabayan tong dalawa? 100 lang po kasi yung hemoglobin ko. Salamat po sa sasagot.
Painful kicks
Bakit po ang sakit ng galaw ng baby ko ngayon? Normal po ba to? Napapatayo po ako sa sobrang sakit sa bawat galaw nya lalo na po sa may tagiliran. 28 weeks po ako.
Help (Early Labor?)
Kaninang umaga po nagsuka ako ng kulay dilaw tapos parang magkaka dysmenorrhea po yung pakiramdam sa tiyan ko andami ko din pong dinumi. Just wondering kung ano pong cause nito? Early labor po ba?🥺 28 weeks preggy here.