Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
1st time mom :)
Ngala ngala ni baby
Ano po kaya itong parang maputi sa ngala ngala ni baby ko? Normal po ba ito?
Clip fan for stroller
Sa init ng panahon balak ko sana bumili ng clip fan na pwede ko ikabit sa stroller. Ano po kayang magandang brand na sure na matibay, malakas ang hangin, at matagal malowbatt? Thanks po
Mga butlig sa mukha at leeg ni baby
Ano po kaya itong mga puting butlig na to na parang white heads? Pano po to mawawala? 1month pa lang po baby ko. Thanks
1st time mom. Normal lang po ba na mas madalas gising ang baby na 3 weeks old?
Kada 15-30mins nagigising iiyak tapos dedede (breastfeed) tapos matutulog tapos gigising na naman. Paikot ikot lang yung cycle. Pinaka mahaba nya na tulog 2 hours lang yata. :( Any tips and advices po paano po dapat gawin? Baka magkasakit na din po ako sa puyat at lalong di ko maalagaan si baby.
Nakakataas po ba ng sugar pag puyat?
GDM. Binigyan ako ng meal plan ng doctor and pinapamonitor sakin sugar ko 2x a day. Dapat daw before breakfast below 93mg/dl and after lunch below 140mg/dl. Pero pansin ko di ko ma-hit yung target na below 93 sa umaga pag kulang ako sa tulog. Pero yung after lunch ko naman mababa at never ako nagover sa 140. Meron po ba same case sakin dito? Nagtataka po kasi ako bakit ganon
Okay lang po ba yung ganitong results ng OGTT 75grams?
Kapag po ba 1 out of 3 ang mataas, ibig sabihin may gestational diabetes na po ba ako? Meron po ba sa inyo na same sakin na mataas ang 1st hour? Ano pong advise sa inyo ng OB nyo? Thanks po