Hello mga mommies, mag 10mons na baby ko sa june 12. Hindi ko alam kung paranoid lang ba ako masyado o natural lang ang baby ko. Alam ko naman na iba iba ang phase ng mga bata. Pero di ko maalis pag ka paranoid ko. Hindi po ako FTM. Ang lagi kong kinakatakot baka mamaya may ASD sya. Ganito den ako dati sa First born ko. Di ko alam, eto ata ang dilema ko talaga twing may baby ako. Nakakaloka. Naabot naman nya ang mga milestones nya on track kaso kasi di masyado mababble pero naririnig ko naman sya nakakapag "aba papa ma ba" na sya. Ayan na yung naririnig ko. Ang nakikipag engage naman sya sa kapatid nya turing 5yrs old. Parehas silang boy. Palagi sila naglalaro habulan. Kasi etong First born ko mabilis natututo sa mga tinuturo eto kasing baby medyo mailap. At tska alam na din nya ang "no". Pero parang may mannerism sya sa kamay nya. Di ko alam kung hand flaps ba o hindi. Nakakaparanoid. 😱Pa help namam po mga mommy ako lang ba yung ganito?? #adviceappreciated
Đọc thêm