Paranoid mommy

Hello mga mommies, mag 10mons na baby ko sa june 12. Hindi ko alam kung paranoid lang ba ako masyado o natural lang ang baby ko. Alam ko naman na iba iba ang phase ng mga bata. Pero di ko maalis pag ka paranoid ko. Hindi po ako FTM. Ang lagi kong kinakatakot baka mamaya may ASD sya. Ganito den ako dati sa First born ko. Di ko alam, eto ata ang dilema ko talaga twing may baby ako. Nakakaloka. Naabot naman nya ang mga milestones nya on track kaso kasi di masyado mababble pero naririnig ko naman sya nakakapag "aba papa ma ba" na sya. Ayan na yung naririnig ko. Ang nakikipag engage naman sya sa kapatid nya turing 5yrs old. Parehas silang boy. Palagi sila naglalaro habulan. Kasi etong First born ko mabilis natututo sa mga tinuturo eto kasing baby medyo mailap. At tska alam na din nya ang "no". Pero parang may mannerism sya sa kamay nya. Di ko alam kung hand flaps ba o hindi. Nakakaparanoid. 😱Pa help namam po mga mommy ako lang ba yung ganito?? #adviceappreciated

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan din ako. Mas mabilis natuto ang 1st born ko as compared sa 2nd born ko. Pero na-meet ng 2nd born ko ang milestone na walking, katulad sa 1st born ko. Kaya nawala ang worry. Pagdating ng 1 year old, dun nako nag observe regarding speech dahil dapat ay may 1-5 words na siang alam. Kaya nag double effort akong turuan ang 2nd born ko sa pagsalita. While we play, i teach her words on how to say. From 1 word, naging 5 words, naging 10 words, naging 50 words. Clear din ang words nia. 10months pa naman si baby nio. Continue talking lang kay baby. Also, ituro nio ang name nia para alam nia. Kasi may mga baby na hindi lumilingon kapag tinatawag kaya nagwoworry ang parents. Ganun din 2nd born ko dati at 1yo. Pero tinuro ko ano ang name nia, until alam na nia. Kahit tawagin namin na nagtatago kami, hinahanap nia sino ang tumatawag sa kania.

Đọc thêm
7mo trước

thankie mommy