Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First time mom.
4 months postpartum ftm via cs
Tanong ko lang po.. Sobrang hirap ba talagang mag decide bumalik mag work? Nadadama ko na na worthless ako. Kahit madalas masama pakiramdam ko.. Nadadama ko wala ako pakinabang kahit gumagawa naman ako sa bahay at nag aalaga kay baby. Di na ko babalik sa work ko dati. Balak ko mag apply ng bago. Kaso nahihirapan ako.. Parang di ko kaya iwan yung baby ko sa lolo nya na papa ng live in partner ko. Pinapahiwatigan na ko ng mama ng partner ko na mag work na ko. Btw sa kanila kami nakatira. Feeling ko nappressure ako sa lahat. Parang wala akong kwentang nanay pag di ako nag work . Pero pag nagtrabaho naman ako baka di ko masundan ung bawat mile stone ng anak ko. Ayoko lumaki sya na lagi akong wala. Ganun kasi lumaki yung partner ko dahil prehong nagwowork magulang nya. Solo syang anak. Hayyyys. Pa advice po
3 months Cs
Pabalik balik sama ng pakiramdam ko parang lalagnatin. Pasumpong sumpong ung sakit ng pwerta at sakit ng ulo. Masakit katawan ko. Yung tahi ko sumasakit din. 3 months na ko nakapanganak via cs Ano gamot dapat inumin o dapat gawin para maging ok naman pakiramdam ko?
1st menstruation postpartum
Ilang araw kayo niregla after manganak? As in ung totoong regla na? 7 days na ko nirregla ng malakas 44 days plng ako nkkapanganak. Di ko alam kung normal to kasi panay sakit ng ulo ko. Tas sobrang lakas ng dugo ko. Salamat sa sasagot
1 month old baby poop
Normal lang po ba yung green poop kay baby? Mix fed po sya. Pag nag poop ponsya madami tas sobrang baho tas kulay green.
Ubi at sipon ni baby
Ano po bang dapat gawin kung may ubo at sipon si baby? 28 days palang po sya. May pwede po bang gawin habang di pa nakakaconsult sa pedia para di masydo mahirapan si baby?
Sss mat 2 requirements
Yung sa live birth? Ano ibig sbihin ng certified true copy from local civil registrar? Meron kami certified true copy galing ospital. Yun ba yung pwede ipasa?
Masakit na ulo. Di makatulog. Postpartrum
2 weeks palang ako nanganganak via cs.. Highblood kasi ako hanggang netong follow up checkup ko paglabas ng ospital 130/100 dugo ko. Niresetahan ako amlodipine. Wala akong maayos na tulog mula kagabi. Lagi naman ako tnutulungan ng nanay ko magbantay sa baby pag gabi. Kaso kagabi, maaga natulog nanay ko. Ngayon, pinapatulog ako.. di ako makatulog tas di mawala sakit ng ulo ko. Ano po kaya pwede i-take na gamot?
Walang gana kumain.
1 week na ko nakakapanganak. Normal ba na mawalan ng gana kumain? Nagugutom ako pero wala ako gana kumain. 😐
Postpartrum depression o baby blues.
Mag 1 week palang ako nakakapanganak via cs. Umuwi sakanila yung partner ko para magwork. Wfh naman sya pero naka set up kasi sa bahay nila. Sa bahay namin with my family ako nag rerecover kasama si baby. Sobrang lungkot lang nung umalis na partner ko, as in kahit kahapon pa umalis hanggang ngayon, umiiyak ako. Ang dami kong iniisip.. tama ba yung gngawa kong pag aalaga sa baby ko? Iniisip ko yung health din ng baby ko, sana healthy sya. Iniisip ko yung mga utang. Iniisip ko pag balik ng work. Namimiss ko na partner ko. 😢 Hayyyyysss. Nakakaiyak.
Pano umutot pagtapos ma cs?
Nakaraos na ko via cs kaninang umaga . Hanggang ngayon di pa ko umuutot o nag dudumi. Kaya di pa ko pwede kumain o uminom man lang ng tubig. 9pm kagabi pa huling kain ko. Kahit man lang sana inom ng tubig kaso kailangan muna daw umutot. Ano po kaya mabisang gawin?