Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
John Cleon my loves
Tamang pagpapakain kay baby
Mga mamsh 7 months na si baby ko, ilang beses niyo po pinapakain baby nyo? Anong oras? kasi simula 6 mos siya once ko lang sya pinapakain. Btw, puro mashed veggies/fruits po pinapakain ko tapos minsan nag mamarie sya sa hapon. Thank you! :)
Poop ni baby
Hi po ask ko lang po kung normal ba ung malapot na poop ni baby? nag start na siya mag solid. 6 months and 7 days na siya, nag mamash lang ako ng pinapakin ko sakanya. Then nag change din kami ng milk niya,lactum na siya from similac 0-6. Tuwing mag poop sya umiiyak sya pero hindi naman matigas poop niya, malapot sya then color yellow. Ano po kaya mali? sa food or sa milk niya? or should i say nag aadjust pa sya? Pasagot po kung may same case ko dito. Thank you po!
Rotavirus Vaccine
Mga mamsh need ba talaga nitong rota vaccine? ngayon ko lang kasi nalaman to. Wala naman ata ganto sa center. simula kasi umpisa center na kami. Wala din nabangit sa center about don. 6 mos na si lo ko. Sa mga nababasa ko hindi na ata pwede sya turukan. paano po yon? nalaman ko lang sya sa group sa fb. tapos tinignan ko record ni baby sa center. wala naman dun na rota vaccine. Pasagot naman po. thank you!
Menstruation
Posible po kaya magkaron na ng mens? 1 Month 8 days si baby nung nagka bleeding ulit ako. Pang 4days ngayon. Kasi last week ung color nya is brown ung color ng patapos na mens tapos nung monday nagkaron nanaman ng blood. Mens na po kaya to?
39weeks today
Kanina pa madaling araw sumasakit sakit na puson ko parang magkakaron ng mens, pero kaya pa ung sakit kasi nakatulog pa ko. Tapos pag gising ko may dugo na. Then punta kami sa lying in. 2cm pa din ako, pinauwi pa kami kasi maiinip lang daw dun pag inadmit na. Ung sakit niya continues pa din pero dipa tuloy tuloy. Malapit na po kaya to? Or aabutin pa ng ilang araw? FTM here thank you!
Brown discharge
Hi po pag po ba may brown discharge na mag tutuloy tuloy na po kaya to? Sumasakit sakit na puson at balakang pero nawawala pa sya, hindi pa tuloy tuloy. 38weeks 2days. FTM here :) thank you sa sasagot
nangangati katawan
Hi ask ko lang kung normal ba sa buntis nangangati halos buong katawan sa gabi? 35weeks ako. Naliligo naman ako tapos sa gabi nagpupunas ako. Bago dinang bedsheet at punda pero nangangati pa din ako. Ano pwede gawin para mawala? Thank you!
Maga yung gums
Mga mommy ano po kaya pwede gawin? Namamaga gums ko, masakit siya pero hindi naman sobra. Wala po siyang sira pero may pasta na kasi siya. Baka yun na ung sumasakit. Nag mumog na ko,nag brush at nilagyan ko na yelo. Wala epekto. Pa help! Thanks! 34 weeks preggy here
Ubo at sipon
Mga mommies ano po kaya pwede inumin pag may ubo? 8 months preggy. Safe ba yung salabat tapos lalagyan ng honey? Thank you sa sasagot.