chnflrntn profile icon
VàngVàng

chnflrntn, Philippines

Contributor

Giới thiệu chnflrntn

Excited to become a mum

Bài đăng(23)
Trả lời(82)
Bài viết(0)

Share ko lang

Share ko lang po sainyo ang kwento namin ng lo ko nung pinanganak ko sya Edd via transv: January 20, 2020 Dob: December 30, 2019 (exactly 37 weeks) Follow up check up lang dapat kami nung dec 30. Since 37 weeks na, sabi ng midwife, ie daw nya ko. After ie, nakapaglunch pa kami sa labas then lakad lakad sa mall para bumili sana ng mga dagdag na gamit since anytime nga lalabas na ang aming prinsesa. Nag-cr ako kasi pakiramdam ko may kung anong tumutulo sakin. And tama nga ako, dinudugo na pala ako ng time na yon. Dali dali kaming dumiretso ng er kahit ang cash lang namin ng time na yon ay less than 2k. Chineck na ko ng doctor then utz, hanggang sa sinabi nalang ng doctor na mababa daw inunan ko at need na i-cs. Sabog kami pareho ng partner ko kasi nabigla kami. Di naman alam ano gagawin. Tapos sabi ng doctor, na wag kami magalala. Kasi dun sa ospital na un, kahit private hindi nanghihingi ng downpayment para asikasuhin ang pasyente. Thank you lord. Na-cs ako ng wala kaming downpayment sa ospital. Blessing in disguise narin pala na dinugo ako ng time na yon, kase cord coil na din pala si baby. And thank you Lord kasi paglabas ni baby walang kahit anong complication. Kahit groggy ako sa anesthesia non, nung narinig ko ung iyak nya, napadilat talaga ko tapos naiiyak na lang ako kasi sa wakas kasama ko na ang prinsesa ko. ? humabol pa sa new year. Sa ospital tuloy kami nag new year. 1week na ngayon ang prinsesa ko, nakakatuwa kasi ang likot likot na nya. Marunong na din tumagilid at humanap ng pwesto pag matutulog sya. Kaso masyadong maka-tatay ???

Đọc thêm
Share ko lang
Thành viên VIP
 profile icon
Viết phản hồi