Butlig sa talukap ng mata ni baby
Good day po. ano po kaya itong butlig sa talukap ng mata ni baby? mapula po at minsan may discharge na yellow parang muta na tuyo.. 6weeks na po si baby..sa Nov11 pa po kasi ang sched nia for check up.. sana may makasagot.. sa ngaun po pinapatakan ko ng breastmilk at pinupunasan ng bulak na may warm water pero bumabalik pa rn.. salamat po and God bless sating lahat #1stimemom #advicepls #pleasehelp #RashesAroundtheeyes
Đọc thêmHello mga mamsh..tanung ko lang kung may similar case samin ni baby. Nanganak ako Sept 23, 2021 via cs..okay si baby nakasama ko agad..next day naninilaw na sya then nirequire ng pedia iphototherapy..ABO incompatibility daw blood type O+ ako then si baby B+ same ng tatay nia..sabi ng pedia pag d naagapan ay utak ang maapektuhan. Sept 28, 2021 na dito pa rn kme ospital, lumolobo na ang bill dahil sa mahal ng room so nung tinanong kame ng pedia kung gusto na umuwi umoo na kme..di na talaga kaya financially walang ibang sakit si baby based sa mga test, walang infection o anuman..ito lang talagang high biliburin at paninilaw nia na nabawasan naman sa phototherapy un lang pabalik balik..kasi ang ginagawa ng pedia 1st day - 24hrs nakailaw; 2nd day - 2hrs on, 2hrs off; 3rd day - 2hrs on, 4hrs off; 4th day - 2hrs on, 2hrs off may same case po ba sa inio na nagokay naman si baby sa pagpapaaraw at frequent feeding? sa ngaun pinagmixed fed muna kami pero pure bfeeding po talaga ang plan ko..maraming salamat po Update: Oct 5, 2021 - nagpacheck up na kme sa ibang pedia at advised stop muna breastfeeding for 10days para ma-verify kung breast milk jaundice lang un kay baby..mabigat man sa kalooban pero para kay baby..🥲 Update: Oct 17, 2021 - okay na po kulay ng skin ni baby; may konti discoloration sa gilid ng mata nia pero anlaki ng improvement. Balik kme sa pedia ng Oct 23, sna totally wla na.. 🙏🙏🙏 #ABOincompatibility #jaundice #newborn #breastfedbaby
Đọc thêmGood day po.. may case po kaya sa inio na normal delivery sa first baby pero premature baby then nakapagnormal delivery ulit sa next baby na full term naman? premature po ang first baby ko at nainormal ko..tapos sabi ng ob ko parang manganganay pa rn ako pag nanganak ako this time, 28 weeks po ko ngaun, two years pagitan sa first baby.. sana po may makapagshare ng experience..salamat po at God bless po sating lahat #advicepls #pregnancy
Đọc thêmFish Oil Brand Safe for Pregnants?
Good day po. Tanung ko lang po kung pwede ito sa buntis. Almost 1month ko na po iniinom as supplement, then kahapon Oct18, 3days delayed na ang mens ko tapos nagPT ako positive po. Di ko po sure kung itutuloy ko ang pag inom nito.Umiinom po talaga ako ng fish oil para sa skin conditions ko. Di pa lang po ako makapagpacheck up sa OB. Maraming salamat po sa mga sasagot. #advicepls #theasianparentph #fishoil
Đọc thêm