Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Preggers
masama pakiramdam
tanong ko lang kung pwede ba akong uminom ng gamot,, grabe kasi sipon ko ung tipong masakit na sa ulo tapos parang mgkakalagnat pa ako,, breastfeed po ako sa baby ko.. bka mahawaan kopo pag d pako gumaling
mixed feed
ano po bang maisa-suggest nio na feeding bottle,? ayaw po kasi mag dede ng baby ko sa bottle farlin po dede nya naku-confused po ata sya sa nipple, thanks po
breast feed o formula?
anu ba mas maganda para kay baby breastfeed o formula or both?
bagong panganak
tanong ko lng kung pwede bang magblower ng buhok yung bagong panganak tagal kasing matuyo ng buhok ko e,,, yung tipong antok na antok kana d ka pwede matulog kasi basa buhok mo. para sana masabayan ko si baby matulog
ang sobra ay masama
hayzzzz sobrang nastress ako ngaun kc lagi akong pinapagalitan o pinagsasabihan dito samen na kelangan kong maglakad para d daw ako mahirapan manganak sinunod ko nman eto ang ending ang taas ng bp ko sabu ni ob naiistress daw ba ako tska pinagbawalan nako maglakad lakad need ko magpahinga para bumaba bp ko,, pwede daw ako macs pag d pa bumaba... bkit kc nakinig pako sa mga pakielamerang kapitbahay e... hayzzzz
bleeding in 39 weeks and 2 days
ok lang ba na ngbebleed ako kasi kahapon my lumabas sakin na parang mucus plug, until now may dugo padin ako at mas red na xa pero wla padin akong pain na nararamdaman... paadvice naman po.... d ko sure kung ok lang ba to o hindi, 1st time mommy lang po
mucus plug
ilang days po kau bago manganak pagtapo nio pong labasan ng mucus plug?
39 weeks 1 day
1cm palang ako ngaun sana magtuloy tuloy na pagdilate ko ??? my bloody show na ako kanina
38 weeks and 6 days
need ko bang pumunta sa ob? kagabi kc tumigas tyan ko na mejo masakit sa pusod hanggang puson papuntang balakang tapos mga 2 hours xa masakit tapos nglakad lakad kme nung umuwi kme ng bahay nawala xa tas ngaun tumitigas ulit ung tyan ko pero d nman masakit feeling ko lang nasa puson ko na si baby, wlang lumalabas sakin na kahit ano ,, wla blood or water,, hayzzzz guato ko ng manganak
mga pakielamerang kapit bahay
hayyzz sobrang naiinis lang tlaga ako sa mga kapitbahay namin na lagi akong kinukumpara nung sila nagbuntis o ung sa kakilala nilang buntis , kesyo nung sila buntis ganito ginawa nila ganun ginawa nila blablabla,,, d nila nakikita mga ginagawa ko kc kelangan pa bang pag ngexercise ako tawagin ko sila para makita nila, pag mglalakad ako kelangan bang ipakita pa sa kanila,, kelangan bang ireport ko lahat ng gagawin ko para alam nila,,, jusko gusto ata nila kabitan ko ng cctv ung katawan ko para lahat ng kilos ko nkasubaybay sila.... nkakairita lang paulit ulit mga sinasabi nila, kaya ayaw ko ng lumabas ng bahay e,