Sino gising pa ngayon?
Kailangan ko ng makakausap please nawies. 🙏🙏🙏
Kasi ganito yun, kahapon kasi mga 7:30pm, naglaro si freyah sa kama tapos nung pababa na siya hindi niya alam ung foam naka overlap lang sa kama kaya nalaglag siya una ang noo daw, hindi ako ang bantay kasi nag prep ako food niya, so umiyak siya. Okay maman siya nung gabi napakain ko pa, tapos naligo pa siya.
Natulog siya mag 10pm-7am . Hndi gano kumain, apple lang,tapos cereal,biscuits,gatas. Tapos nag sleep ng 12:45pm-4pm ginising ko nalang siya nun kahit antok pa. 4pm papakainin ko na sana ng lunch kaso ayaw kumain, ang kinain lang pears, pinilit ko hanggang sa mga 6pm naubos naman sakto lang food. Tapos bandang 8:30pm masakit daw tyan niya, mga 930pm inaantok na siya, na dapat 11pm pa siya makakatulog. Medyo matamlay na siya kasi masakit tyan niya. Tapos nilagnat na, pinainom ko gamot kaso sinuka.
So ito, grabe praning ko 101% praning na praning ako. Dahil nga naalala ko nauntog siya sa noo. Naka 4x na suka siya. Matamlay siya. Tulog siya ngayon. Chineck cbc mataas leucocytes from 5-10 , 17. Urinalysis ayaw pa niya umihi.
Andito kami E.R ngayon. Pina admit ko para hindi ma dehydrate. Hindi din siya nag dede sakin. Tulog siya ngayon. Sabi ng dra. Sa ER kung meron daw tama yung sa ulo niya hindi daw connected yung bukol sa infection, at wala din naman open wound.
Inaamin ko pinakain ko siya ng chichqaron nung monday :(
Please need ko kausap.
Kailangan ko ba sabihin sa asawa ko nangyari? Nasa manila siya, kami nasa province. Ayoko kasi mag alala siya at alam ko aawayin ako nun.
Picture in CB.
Đọc thêm